43,000 manok namatay sa heatstroke sa poultry farm sa Laguna
Tinatayang may 43,000 na manok ang umano’y namatay sa heatstroke sa isang poultry farm sa Nagcarlan, Laguna.
Nakunan ng video at litrato nina Cezon Vieron at Jasmin Vieron Alibio ang mga patay na manok sa Happy Nest Poultry Farm sa Barangay Maravilla noong Miyerkules.
Sa panayam ng INQUIRER.net kay Alibio, sinabi niya na na-heatstroke ang mga commercial chickens dahil sa pagkawala ng koryente sa Nagcarlan.
“Mga three to four hours po [nawalan ng kuryente],” ayon kay Alibio. “Nag-start po siya mga 11 a.m.-12 p.m. po.”
“Eh yung poultry farm po ay air-conditioned po siya. Di raw po kinaya ng generator nila,” dagdag pa ni Alibio.
Tumungo si Alibio, na isang lokal na vlogger, sa poultry farm matapos mabalitaang namimigay doon ng libreng manok.
“Bumili po kasi ako ng ulam. Then merong lalaki na may dala ng manok,” kwento ni Alibio. “Sabi niya ‘Pinamimigay yung manok doon kasi brownout, di kinaya.’ Kasi air-conditioned nga daw po yung [poultry farm].”
May ulat ng INQUIRER.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.