Sikat na aktor bumili ng 2 kotse sa panahon ng pandemya: Yung una P26M, tapos yung isa P10M | Bandera

Sikat na aktor bumili ng 2 kotse sa panahon ng pandemya: Yung una P26M, tapos yung isa P10M

Reggee Bonoan - October 08, 2020 - 03:39 PM

TRULILI kaya ang balita na isang sikat na aktor ang namakyaw ng mamahaling kotse sa panahon ng COVID-19 pandemic?

Aksidenteng naitsika sa amin ng may kuneksyon sa mga kotse na ang libangan pala ng sikat na aktor bumili ng mamahaling sasakyan na sinasabing kapresyo na ng isang mansyon.

“Pampatanggal ng stress niya ang mamili ng sasakyan,” ang kaswal na sabi ng aming kausap.

Kuwento pa niya, tinawagan ng sikat na aktor ang kaibigan niyang nagbebenta ng mamahaling mga sasakyan sa Pilipinas at bumili ng dalawa na nagkakahalaga ng P26 million at P10 million. Hindi lang namin naitanong kung anong brand ang mga ito.

“Wala naman tayong pakialam kung saan niya gagastusin ang pera niya, kanya naman ‘yun at pinaghirapan niyang kitain, pero nakakabilib, di ba?
“Sa panahon ng pandemic maraming nawalan ng work pero si _____ (sikat na aktor), bumili ng karu. Ganu’n talaga ang maraming ipon, kaya kahit magkano, keri,” kuwento pa sa amin.

Wala na namang problema ang sikat na aktor sa pamilya niya dahil lahat sila ay secured na at may mga kanya-kanya na ring negosyo kaya solong-solo na niya ang kanyang kinikita.

Maraming tumitingala sa sikat na aktor dahil matulungin sa kapwa niya artista at higit sa lahat, sa mga taong malapit sa kanya.

May nagtanong pa nga sa amin ng, “Wala tayong nabalitaang tumulong siya sa mga nangangailangan nitong pandemic?”

Sabi namin, naka naman tumulong din siya hindi lang sa harap ng kamera o ipinasulat sa diyaryo dahil base sa pagkakakilala namin sa sikat na aktor ay ayaw niya na ipinamamalita ang ginagawa niyang pagtulong.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending