Mr Speaker! Mr Speaker! I object! | Bandera

Mr Speaker! Mr Speaker! I object!

Atty. Rudolf Philip Jurado - October 08, 2020 - 09:18 AM

Mr Speaker! Mr Speaker!

Ito ang malakas na sigaw sa plenaryo ni Didagen Dilangalen na noon ay congressman ng Maguindanao, habang mabilis at tuloy tuloy na binabasa ni Manuel Villar, na noon ay speaker ng House of Representatives, ang Impeachment complaint laban kay Pangulong Joseph Estrada.

Ang matining na sigaw ng congressman ng Maguindanao ay hindi maikakaila ay narinig ng speaker, ngunit kailangan nitong ituloy ang pagbabasa upang tupadin ang pinag uutos ng Constitution, na naglagay sa kanya sa mabuting kasaysayan-ang pag utos na dalhin ang impeachment complaint sa Senado

Ito ang nangyari noong 2000 sa plenaryo ng House of Representatives.

Noong Martes, dineklara ni Speaker Alan Peter Cayetano, kasama ang mga kaalyado nito, na tapos na ang period of debates at amendments ng General Appropriation Bill ( GAB), maski wala at hindi pa nauumpisahan ang debates at amendments sa plenaryo. Kasabay nito, pinagbotohan at inaprobahan din nila sa second (2nd) reading ang GAB.

Sinuspendi din ni Speaker Cayetano at ng kanyang kaalyado ang session ng House of Representatives hanggang November 16, 2020 o higit sa tatlong (3) araw.

Ang lahat ng ito ay pinilit na tutulan at pigilan ni Partylist Representative Lito Atienza sa pamamagitan ng pagsabi at pagsigaw ng ” Mr Speaker! Mr Speaker! I Object! “sa kanyang computer screen.

Ngunit hindi katulad ng boses ni dating congressman Dingalen na tumaginting sa lahat ng sulok ng plenaryo, ang kanyang tinig ay nagmistulang nakakabinging katahimikan. Tiniyak na hindi marinig ng lahat ang kanyang tinig dahil tila sinadyang huwag mabigyan ng boses ang party list representative at iba pa ng pinatahimik (muted) ang microphone nila.

Ang mga ganitong eksena sa House of Representatives, kasama na din ang Senado, ay hindi na bago. Dahil tayo ay demokratikong bansa, ang ” Rule of Majority” o ang ” Tyranny of the Majority” ang laging nananaig bagamat minsan ito ay hindi naaayon sa Constitution, batas at moralidad.

Ang madaliang pag- apruba sa second (2nd) reading ng General Appropriation Bill noong Martes ng House of Representatives na walang debates at amendments ay maaaring mali dahil hindi nabigyan ng pagkakataon mapakinggan ang mga kontra dito, tulad ni Partylist Representative Atienza at mga iba pa. Hindi din naaayon sa policy of transparency ang pagtanggal sa period of debates at amendments. Subalit dahil ito ang kagustuhan ng nakakaraming miyembro ng House of Representatives, ito ang nasunod at nangyari.

Pero ang ganitong bagay ay nasa eksklusibong kapangyarihan ng House of Representatives. Walang  ahensiya ng gobyerno, kasama na ang korte, lalo pa’t wala naman pinag-uutos na direkta sa Constitution na magkaroon ng debates at amendments sa second (2nd) reading, ang pwedeng magsabi at mag-utos sa House of Representatives na mag debate muna sila at gawin ang mga amendments sa isang panukalang batas (bill ) gaya ng GAB, bago ito pagbotohan sa second (2nd) reading.

Ang pag suspendi naman sa session ng House of Representative mula noong Martes hanggang sa Nov 16, 2020 ay hindi naaayon sa Constitution.

Sa Section 16 (5) ng Article 6 ng Constitution, pinag utos na hindi maaaring mag adjourn ang House of Representatives o Senado ng higit sa tatlong (3) araw ng walang pahintulot ng isa’t-isa.

Maaaring totoo na ang binabanggit sa nasabing constitutional provision ay  “adjournment” at hindi session. Pero dapat tandaan na ang pag suspendi ng plenary session na higit sa tatlong (3) araw sa parte ng House of Representatives ay lilikha ng isang ma-anomalyang sitwasyon na makakaapekto sa pagiging malaya (independent) ng Senado sa House of Representatives.

Ang House of Representatives ay isang parte lang ng kabuuang Kongreso. Ang isa ay ang Senado. Ang dalawa ay malaya (independent) sa isa’t-isa pero sila ay iisa sa kabuuan ng Kongreso. Kasama o parte ng kapangyarihan nila na gumawa ng batas ay mag session sa kani-kanilang plenaryo. Kung ang isa ay hindi makakapag session dahil ito ay sinuspendi, ang isa ay hindi din makakapag-session dahil ang kapangyarihan nitong mag-session at gumawa ng batas ay nakasalalay sa isat-isa. Sa madaling salita, kung walang House of Representative, wala din ang Senado. Kung walang session ang House of Representative, wala din dapat session sa Senado.

Kaya hindi maaaring mag session ang Senado kung ang House of Representatives ay walang session hanggang Nov 16.

Sa ganitong scenario na ngayon ay nangyari, maaaring ipatigil ng House of Representatives ang session sa Senado sa pamamagitan lang ng pag suspendi ng mahabang session sa House of Representatives. Ito ay direktang paglabag sa dapat na malayang karapatan ng Senado sa House of Representatives.

Dahil sa pagsuspendi ng session sa House of Representatives hanggang Nov 16, pati ang Senado ay mapipilitan itigil ang kanilang plenary session hanggang Nov 16. Maaantala ang mga ibang panukalang batas (bill) na dapat ay madidinig at maaaksyonan ng Senado sa plenary session.

Ito ang rason kung bakit pinag uutos ng Constitution (Article 6, Section 16 (5) na hindi pwedeng mag adjourn na hihigit sa tatlong (3) araw ang isa sa kanila na walang pahintulot ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mr Speaker! Mr Speaker! Ang “away” tungkol sa issue ng speakership ay naglikha ng malaking abala sa mamamayan. Imbes na tutukan ang mga panukalang batas (bill) na maaring makatulong sa mga tao sa panahon ngayon ng pandemic, nasayang ang mga oras ng ating kongresista, na pinapasweldo ng taong bayan, dahil sa issue ng speakership.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending