B-day surprise kay Maja kinarir ni Rambo Nuñez; nagpakaligaya sa Amanpulo | Bandera

B-day surprise kay Maja kinarir ni Rambo Nuñez; nagpakaligaya sa Amanpulo

Ervin Santiago |October 07,2020
facebook
share this

B-day surprise kay Maja kinarir ni Rambo Nuñez; nagpakaligaya sa Amanpulo

Ervin Santiago - October 07, 2020 - 12:07 PM

WAITING na rin ang fans and supporters ni Maja Salvador sa pagpapakasal nila ni Rambo Nuñez.

Feeling nila, malapit na ring bumuo ng sariling pamilya ang Kapamilya actress lalo na ngayong na-experience na niyang makasama nang matagal ang kanyang boyfriend.

In fairness, pareho na naman silang financially stable ni Rambo na isang negosyante at presidente ng PR company, kaya wala na silang magiging problema sakaling magpakasal na sila.

Nitong nakaraang Lunes, Oct. 5, nag-celebrate ng kanyang 32nd birthday ang dalaga kasama si Rambo. Nagpakaligaya ang magdyowa sa sosyalerang Amanpulo.

Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si Maja kay Rambo dahil ginawa nitong super special at memorable ang birthday niya.

“Thank you for making my birthday special. ILY,” ang caption ng actress-dancer sa photo nila ng boyfriend habang nakasakay sa isang yacht.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng bumati at nagpahayag ng pagmamahal sa kanyang special day.

“Thank you everyone for all the birthday wishes! So blessed and grateful to have so many amazing people in my life! Mahal ko kayo,” mensahe pa niya.

Nag-post din siya ng video clips na kuha mula sa ibinigay na surprise birthday party ng kanyang pamilya.

Bago ito, nauna nang ibinandera ni Rambo ang birthday greeting niya kay Maja kalakip ang sweet photo nila together habang nakabilad sa beach.

“Looking forward to many more of your birthdays in this wonderful journey with you. Keep being a blessing to everyone around you. I love you so much,” ang caption ng negosyante sa kanyang IG post.

Sa huling panayam namin kay Maja, sinabi niyang napag-uusapan na rin nila ni Rambo ang kasal pero hindi pa raw ito mangyayari very soon. Aniya, baka after four or five years pa ito mangyari.

Naikuwento rin niya sa isang interview na mukhang itinadhana talaga sila ng kanyang boyfriend dahil sa ibinigay sa kanilang “second chance.”

“Nu’ng una namin ni Rambo, 21 years old ako noon. Siyempre bata pa naman, kailangan mong i-sacrifice (lovelife para sa career). May ganu’n ng konti sa past namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi siguro hindi enough ‘yung ilang months lang kami noon. Naudlot talaga. Tapos iba din ‘yung love ng family niya na ibinibigay sa akin.

“Ilang beses kaming may random na pagkikita, may certain feeling na ‘yung naramdaman mo dati, parang meron pa rin,” sey ni Maja and the rest as they say — is history.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending