Nakikita kong handa na si Kathryn…na maging asawa ko!
GUSTO ni Daniel Padilla na pakasalan si Kathryn Bernardo at magsimulang bumuo ng sariling pamilya pagsapit niya ng 30 years old.
Pareho ang dream wedding ng KathNiel — ang magpakasal sa beach kasama ang kani-kanilang pamilya, malalapit na kaibigan at mga taong naging bahagi na ng kanilang buhay.
“Yes, beach wedding ang gusto ko and sana before 30 (years old), e mangyari na po yun. Bago ako mag-30 sana maikasal na rin ako. Ayoko na rin ng masyadong matagal,” pahayag ni Daniel nang humarap sa members ng entertainment press kahapon para sa kanyang virtual concert na “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience.”
Agree rin si DJ na mas okay kapag naging tatay siya sa edad na 30 para mas ma-enjoy pa niya nang bonggang-bongga ang mga magiging anak nila ni Kath.
Siyempre nga naman, kapag medyo may edad na siya ay limitado na rin ang mga bagay na magagawa niya kaya mas okay kung makakasabay pa siya sa energy ng mga anak.
Natanong din si Daniel kung ano yung mga bagay na nagbago sa kanila ni Kathryn ngayong nasa ibang level na ang tinatahak nilang journey sa buhay.
“Napapansin ko lang, feel na feel namin yung adulting stage, kasi nitong nag-lockdown ramdam na rin namin…’aba, tumatanda na ‘ko.’ Yun na ang napi-feel ko,” sagot ng Kapamilya singer-actor sabay tawa.
“Kasi like yung sa financial aspect, dati sina Ermat (Karla Estrada), at mama ni Kath (Min Bernardo) ang nag-aasikaso ng lahat mga babayaran, ngayon sa amin na rin pinaaasikaso.
“So, doon ko nakikita kay Kathryn na handa na siya, handa na siyang maging asawa ko,” ani Daniel kasunod ang pilyo niyang tawa.
Samantala, muling maghahatid ng kakaibang musical experience ang Box-Office King sa kauna-unahan niyang virtual concert, ang “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience.”
Mula sa produksyon ng Star Events ng ABS-CBN at ng production house ni Daniel na Johnny Moonlight, eksklusibong mapapanood ang “Apollo” sa KTX.ph sa darating na Okt. 11 (Linggo).
Magbabalik-tanaw si Daniel sa kanyang matagumpay na journey bilang singer at performer sa “Apollo” sa pamamagitan ng pag-awit sa mga pinasikat niyang kanta, paboritong classics, at iba pa habang inaalala ang una niyang “Daniel: Live!” concert noong 2013 hanggang sa matagumpay na “D4” concert na ginanap noong 2018.
Sasamahan ang “Mabagal” singer ng Jose Carlito band na pangungunahan ng front man nito at kanyang kapatid na si JC Padilla.
Ang “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience” ang una sa mga parating na exclusive concerts na handog ng Star Events sa pagsisikap nitong maghatid sa mga Kapamilya ng malakihang musical shows online kasama ang mga paboritong performers kapalit ng live events.
Ito ay bahagi pa rin ng bagong digital offerings ng ABS-CBN para sa mga Kapamilyang hinahanap-hanap ang libangan na hatid ng network.
Ito ay kasunod ng successful launch ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook para maabot ang mas marami Pilipino.
Ilan naman sa mga naging matagumpay na KTX digital events ang “Hello Stranger: Finale Fancon,” “New Normal” ni Jed Madela, “Tayo Hanggang Dulo” ng JaMill at K “20k20″ ni K Brosas. Bisitahin ang ktx.ph para sa tickets as inaabangang “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience.”
Sa halagang P499, maaari nang mapanood ng mga Kapamilya ang maagang Pamaskong handog ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.