Ivana sa kanyang boobs: Ayaw kong nagba-bra kasi lalo siyang lumalaki | Bandera

Ivana sa kanyang boobs: Ayaw kong nagba-bra kasi lalo siyang lumalaki

Ervin Santiago |October 05,2020
facebook
share this

Ivana sa kanyang boobs: Ayaw kong nagba-bra kasi lalo siyang lumalaki

Ervin Santiago - October 05, 2020 - 01:59 PM

HANGGA’T keri niya, hindi pala nagsusuot ng bra si Ivana Alawi dahil feeling niya mas lalo raw itong lumalaki.

Ito ang diretsahang sinabi ng sexy actress-vlogger sa chikahan nila ni Angelica Panganiban sa second episode ng online show nitong “Ask Angelica.”

Tinanong kasi si Ivana kung mas gusto ba niyang mas maliit sana ang dibdib niya o happy na siya kung anumang meron siya ngayon. At kung bakit siya naglalaba nang walang bra.

“Ako kasi hindi ko maintindihan kung malaki ba siya o maliit kasi cup B lang siya. Actually ayaw kong nagba-bra kasi lalo siyang lumalaki and lalong sinasabi na ang laki ng boobs.

“‘Yun ang one of the reasons why I don’t like wearing bra kasi nakakalaki siya. Gusto ko walang padding para wala na silang masabi. Tsaka ayoko nu’ng nasisikipan ako, gusto ko yung free,” chika ng dalaga na umaming dalawa lang ang ginagamit niyang bra.

Inamin din niya kay Angelica na,  “Dati hindi ako proud sa sarili ko. Hindi ako makapag-sexy outfits. Hindi ako confident sa sarili ko until I learned, kunyari ‘yung mga ex ko kasi iniiwan ako dati.

“So, hindi yata ako maganda, hindi yata ako sexy. Ang dami kong self-doubts kung bakit nangyayari ‘yun sa akin, bakit niloloko ako,” sumbong pa niya.

“After no’n, sabi ng nanay ko, ‘It’s time to focus on yourself. Kailangan trabahuhin mo ang sarili mo, mahalin mo ang sarili mo. Everything will come after that,’” lahad pa ni Ivana.

Isa raw sa ipinagpapasalamat niya ngayon ay ang pagiging single, “I think sobrang natuwa ako kasi siguro kung nag-boyfriend ako, hindi ako makaka-focus sa sarili ko. Hindi ako makaka-focus sa vlog.

“Ako kasi kapag nagjowa, nandoon ang utak ko. I think the best talaga is to focus on yourself, focus on your family, focus on your education. Darating na lang iyon,” sey pa ng actress-vlogger.

Ipinagdiinan din ng dalaga na nagiging totoo lang siya sa sarili niya at wala siyang intensyon na ipagsigawan sa buong mundo kung gaano siya kaseksi at kakinis.

Siya ang tinatawag ngayong bagong pantasya ng bayan dahil napakaraming lalaking humahanga sa kanyang kagandahan at kaseksihan.

“Honestly hindi ko siya maintindihan kung bakit kasi hindi naman kami masyado natutuwa sa sarili ko. I am being myself tapos biglang ang dami.

“Nagsu-swimsuit lang naman ako, normal naman kasi para sa akin mag-swimsuit or mag-swimming and mag-picture in bikini.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagugulat ako na parang may mga magjowa na nagbe-break dahil sa akin. May mga babae na nagme-message na parang na-appreciate nila ‘yung women empowerment.

“Nakakatuwa lang na I am just being myself and nagugustuhan ng tao which makes me very happy. But I don’t see myself as ‘Uy gayahin niyo ako guys.’ Hindi ako ganu’n eh,” ang chika pa ni Ivana Alawi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending