Colmenares nagbabala: cell towers pwedeng maging tulay sa pag-espiya ng China | Bandera

Colmenares nagbabala: cell towers pwedeng maging tulay sa pag-espiya ng China

- October 04, 2020 - 08:44 AM

White communication tower on a bright sunny day, blue sky, clouds in the background. Horizontal view.

Magiging bulnerable ang seguridad ng bansa pag-espiya at hacking ng China sa sandaling maitayo na ang mga cellular tower ng Dito Telecommunity sa mga kampo ng pulisya at militar sa bansa, ayon kay Citizens for Philippine Sovereignty (CPS) chair Neri Colmenares.

Ang Dito ay  40 posiyentong pag-aari ng China Telecom, isang state corporation ng China.

Sinabi ni Colmenares na ang isyu sa security risk na dala ng bagong telecom company ay magpapatuloy dahil nangingibabaw umano ang pangamba at takot ng China na masapawan ng US ang kanilang ambisyong kontrolin ang mga Pilipino.

Tinukoy mismo ng National Cybersecurity Plan (NCP) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang tinawag na “key areas in the online environment for cybersecurity” at sinabing “paramount concern is the intrusion, through a MOA between the AFP and Dito/China Tel, of state-owned businesses into military bases, police camps, government facilities and their outlying areas within their localities.”

Upang maibsan umano ang takot sa posibleng cyber espionage ng mga dayuhan sa seguridad ng bansa, maging ang paniniktik sa mga pribadong buhay ng mga Pilipino, ay inihayag ni Dito chief administrative officer Adel Tamayo ang pakikipagtulungan ng Dito-ChinaTel sa United States cybersecurity firm na Fortinet.

Ngunit hayagang sinabi ng advocacy group na hindi maibsan ang naturang pangamba sa cyber espionage dahil sa dalawang batas sa China na nag-uutos sa kanilang mga negosyo sa labas ng bansa, ‘tulad ng ChinaTel, na mangalap o maniktik ng mga impormasyon – ang China’s National Intelligence Law of 2017 at ang kanilang Counter-Espionage Law of 2014.

Isang mobile security firm na kung tawagin ay Zimperium ang nakatuklas sa pananaliksik nito na umano’y “potential security issues exist in cell towers or base transceiver stations (BTS) which can allow hackers to remotely hijack the entire cell phone tower.”

Ang Zimperium, na kilalang bilang global leader sa larangan ng mobile security, ay natuklasan na ‘bugs’ in a main BTS software service can open the device to external connections, allowing hackers to reach the BTS transceiver via the internet.”

Isa pang multinational software provider, Checkpoint Software Technologies Ltd., ang nauna nang nakatuklas na umano’y gumagamit ng mga “rogue cell phone towers” ang mga Chinese hacker upang mamahagi ng Android banking malware sa pamamagitan ng mapanlinlang na text messages sa layuning masabotahe ang industriya ng mga banko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending