Kathryn bonggang-bongga sa suot na wedding gown; netizens napa-wow!
IBINANDERA ng Queen of Hearts na si Kathryn Bernardo sa madlang pipol kung ano ang magiging itsura niya bilang isang blushing bride.
Ito’y matapos ngang kumalat ang chika na “magpapakasal” na sila ni Daniel Padilla — pero para lang daw sa bago nilang project sa ABS-CBN at Star Cinema.
In fairness, ang ganda-ganda ni Kathryn sa mga ipinost niyang litrato suot ang bonggang wedding gown na gawa ng local celebrity designer na si Julianne Syjuco.
Si Kath ang napili ni Julianne na maging model ng kanyang bagong ready-to-wear bridal collection na tinawag niyang “Vita” (or life).
Makikita sa litratong ipinost ng Kapamilya actress sa Instagram ang suot niyang backless lace wedding dress at isang off-shoulder ball gown.
Pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens ang wedding paandar ni Kathryn at halos iisa ang comment ng lahat, napakaganda at napakaseksing bride ng aktres. Napa-wow naman ang ilan sa kanyang IG followers.
Kamakailan, kinumpirma nina Kath at DJ na ikakasal na sila sa bago nilang proyekto, ang digital movie series na “The House Arrest of Us.”
Magkakaroon ito ng 13 episodes at magsisimula na sa Oct. 24 sa KTX at Oct. 25 naman sa iWant-TFC. Makakasama rin dito sina Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista, Dennis Padilla at Gardo Versoza.
“It’s not a sequel. Basically hindi siya connected sa ‘Hows of Us’. It’s a family series, nandun din ‘yung romance. Halo-halo siya pero it’s not related kay George at kay Primo’ (mga character nila ‘The Hows of Us’),” ani Kathryn.
Tungkol naman sa shooting nila under the new normal, sey ng aktres, “Iba siya sa nakasanayan namin. Naka-lock in lahat ‘yung set-up tapos limited lang talaga ‘yung mga pumapasok, at lahat fina-follow ‘yung safety protocols. Nakakapanibago pero lahat naman nagko-comply.”
Sabi naman ni Daniel, “Kakaiba ‘yung experience na nandito kami sa village, parang nasa bubble lang din kami. Walang pwedeng lumabas o pumasok. Kami kami lang ang nandito, astig din siya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.