‘Sunday Noontime Live’ sisimulan na sa TV5; Maja, Piolo iiwan na ang Kapamilya?
Kung walang pagbabago ay sa Oktubre 18 na ang launching ng blocktimer show ng TV5 na “Sunday Noontime Live.”
Sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Jake Ejercito, Donny Pangilinan at Catriona Gray ang magiging host ng show.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang binabanggit kung sino ang magiging guests sa launching ng programa.
Pero siguradong bongga ito bukod pa sa mga inihandang production number ng mga nabanggit na celebrities.
Si Mr. Johnny Manahan ang direktor ng show at produced ng Brightlight Productions na pag-aari ni dating Congressman Albee Benitez at line produced ng Cornerstone Studio.
And for the record, nanatiling Star Magic artists sina Maja, Donny, Jake at Piolo Pascual.
Kaya hindi totoong iniwan na nila ang kanilang talent management na nag-alaga na sa kanila sa loob ng maraming taon.
Sabi nga ni Maja, susundan muna niya ang tatay niyang si Mr. M sa TV5 para sa Sunday show nito, pero hindi nangangahulugan na wala na siya sa Kapamilya network since wala naman silang exclusive contract na.
At sa tingin din namin ay ganundin si Piolo na si Mr. M ang nagsilbing ama niya sa showbiz. Alam naman ng lahat na malaki ang nagawa sa kanya ng Star Magic kaya it’s payback time.
Sina Donny at Jake naman ay parehong bagito pa sa showbiz kaya magandang exposure itong programa nila sa TV5 dahil sa ngayon ay wala naman silang ginagawa sa Kapamilya network.
Samantalang si Catriona ay alaga ng Cornerstone kaya kasama rin siya dahil line producer ng “Sunday Noontime Live” ang kanyang management agency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.