Edward emosyonal na nagpasalamat sa fans nila ni Maymay; bagong MayWard movie tuloy na | Bandera

Edward emosyonal na nagpasalamat sa fans nila ni Maymay; bagong MayWard movie tuloy na

Ervin Santiago - October 02, 2020 - 05:02 PM

CONFIRMED! Magkakasama muli sa isang bagong project ang Kapamilya loceteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber.

Ito ang good news na ibinahagi ni Edward sa loyal fans nila ni Maymay kasabay ng pag-aming super excited na siyang sa muling makatrabaho ang ka-loveteam.

“Ang nilu-look forward ko ay maging masaya ulit sa trabaho. Kasi may mga time talaga na habang nagtatrabaho ka hindi ka naman nag-e-enjoy, hindi naman masaya, pinipilit mong ngumiti or tumawa.

“Pero ito, binasa ko na ‘yung script, pinost ko sa IG (Instagram) Stories ko ‘yung draft six. Masaya talaga ‘yung movie. Tapos hindi ‘yung sobrang bigat.

“So, I’m looking forward to just having fun which is isa sa mga bagay na parang hindi ko ginawa nung ma last projects,” pahayag ng binata sa episode ng “Magandang Buhay” kanina.

Huling nagkasama sa pelikula ang MayWard sa MMFF entry ni Vice Ganda na “Fantastica” noong 2018 habang nagkasama naman sila sa weekly series na “Hiwaga ng Kambat” sa ABS-CBN.

Kung matatandaan, nitong nakaraang Abril, sabay na naglabas ng joint statement ang magka-loveteam tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sabi ng dalawang bagets, bagamat wala silang relasyon ay nananatili pa rin silang magkaibigan at nangakong magpo-focus muna sa kanilang respective career.

Hindi naman mapigilan ni Edward na maging emosyonal nang magpasalamat sa loyal supporters ng MayWard na hanggang ngayon ay nagmamahal at sumusuporta sa kanila ni Maymay.

“Ang daming nagsabi sa start ng quarantine, na ‘yung quarantine ay parang ‘PBB.’

“Nakakulong kayo tapos nandoon lahat ng emotions. At masasabi ko na kahit ganoon, kahit matindi ang pinagdadaanan nating lahat ay nandoon pa rin sila.

“Hindi ako makapaniwala na, the level that they were giving us before of support is not just the same, it’s even higher.

“Hindi ko ma-explain. Parang baliw talaga kayo because until now you are still giving us that support,” ani Edward.

Patuloy pa niya, “A lot has been said sa social media, a lot of stuff has been lied about, false statements and through it all, I look sa may Instagram, sa direct messages, minsan toxic ‘yon.

“Pero I read them and I read some messages, they say, ‘We still trust you Edward. We still support you, We still love you.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At hindi ko masabi, hindi nila alam, hindi ko masabi sa kahit anong interview, hindi ko maipakita sa isang movie. They will never know the impact that that positivity has in my life.

“Now in the future or in the past, they will never know. But all I can say now is maraming-maraming salamat. Sobrang nagpapasalamat ako sa inyo,” lahad pa ni Edward.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending