Cheryl Cosim, Raffy Tulfo walang sapawan, inggitan bilang news anchor ng TV5
PINAGTIBAY muli ng TV5 ang kanilang adhikain na maghatid ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng news and public affairs.
Ang “Frontline Pilipinas” ang pinakabagong news program ng istasyon na maghahatid sa publiko ng balita mula sa loob at labas ng bansa.
Magsisimula na ito sa Oct. 5 at pangungunahan ng mga batikan at multi-awarded broadcast journalists ng bansa — sina Raffy Tulfo, Cheryl Cosim, Luchi Cruz-Valdes, Ed Lingao at Lourd de Veyra.
Kilala si Raffy Tulfo bilang “Hari ng Public Service” dahil sa kanyang pagbibigay ng serbisyong pampubliko sa masa na natutunghayan sa kanyang mga programa sa TV at radyo.
Hindi kaila ang galing ni Raffy sa paghahayag ng balita at komentaryo sa higit dalawang dekada niyang karanasan.
Kasama ni Raffy Tulfo si Chery Cosim na ilang dekada na rin sa industriya ng broadcasting. Makailang beses na rin ito nakatanggap ng parangal gaya ng Best Female News Program Anchor sa ika-12 Gawad Tanglaw Awards at Best TV Newscaster naman galing sa ika-21 Golden Dove Awards.
Ang batikang broadcaster na si Luchi Cruz-Valdes ay kilala sa galing niyang maglahad at maglabas ng kwento at katotohanan mula sa kanyang mga kapanayam. Siya ang mangunguna sa one-on-one interviews ng mga nagbabagang balita ng “Frontline Pilipinas.”
Isa sa mga beteranong journalist sa bansa na si Ed Lingao na kilala para sa kanyang mga “hard-hitting stories” sa giyera at politika, ang mangunguna ng kanyang sariling segment na, “News ExplainED”, kung saan ay bubusisiin niya ang mga istoryang pinag-uugatan ng malalaking balita.
Kasama rin sa programa si Lourd de Veyra, na magbibigay komentaryo at magsisilbing social mood checker sa solo segment nitong, “Word of the Lourd”.
Sagisag ng “Frontline Pilipinas” ang adhikain na “maaasahang kasangga sa pagbabalita, boses ng may alam at may pakialam at balita’t impormasyong dapat malaman”. Dala nito ang pangakong maghayag ng mahahalagang balita at pagbibigay ng eksplanasyon at konteksto sa mga manonood upang maintindihan nila ang kahulugan ng mga balita sa kanilang mga buhay.
Abangan ang “Frontline Pilipinas” simula sa darating na Lunes 6:30 p.m. sa TV5 at OnePh. Mapapanood rin ito tuwing gabi, Lunes hanggang Biyernes, simula 8 p.m. sa One PH Channel 1 sa Cignal TV.
Samantala, ayon kay Cheryl, wala namang mangyayaring sapawan o inggitan sa pagitan nila ni Raffy Tulfo at ng iba pang news anchor ng TV5.
“We have public service in our heart, Raffy and I are very much involved with that. So, wala namang nangyayaring ganu’n. It’s a non issue.
“I have been in the station for 10 years, but not to the point of calling out, we have a very calm news room here on TV5.
“We were not restricted to go out to deliver news, we see it on the streets, the news, online, every detail of it is intense and more important to make sense of the moment.
“We are here to make them understand the content we present on the frontline,” paliwanag pa ng TV host-news anchor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.