Derek isinugod ni Andrea sa ospital matapos ma-expose ang mata sa UV light: Sumisigaw na ako sa pain | Bandera

Derek isinugod ni Andrea sa ospital matapos ma-expose ang mata sa UV light: Sumisigaw na ako sa pain

Ervin Santiago - September 29, 2020 - 10:17 AM

FEELING ng Kapuso hunk na si Derek Ramsay ay mabubulag na siya matapos makaramdam ng matinding sakit sa kanyang mga mata.

Hindi na natiis ng aktor ang pananakit ng mata matapos tumingin nang diretso sa UV light kaya nagdesisyon na siyang magtungo sa ospital.

Kuwento ni Derek sa “Mars Pa More,” may inayos siyang UV light sa kanyang bahay na pang-disinfect sa kanilang mga gamit dahil kumukurap-kurap ito.

Pinaalalahanan daw ang aktor ng girlfriend niyang si Andrea Torres na huwag titingin nang diretso sa ilaw dahil nga masama ang epekto nito sa mata.

Ngunit aksidente ngang napatingin nang diretso si Derek sa UV light. Hindi naman daw agad sumakit ang mata ng Kapuso actor dahil nakapaghapunan at nakapanood pa sila ng movie sa Netflix.

“But at around 2 a.m. hindi ko na maidilat ‘yung mata ko. Talagang they were burning, eh ayoko naman siyang (Andrea) gisingin.

“I went to the bathroom, naghugas ako ng mata. It got worse. Then it just got worse and worse, so napilitan na akong gisingin si Andrea, at tinakbo na ako sa ospital,” kuwento pa ni Derek.

Nilagyan din ni Andrea ng eyedrops ang mata niya pero talagang iba na ang nararamdaman niya. Ani Derek, “That’s when talagang sumisigaw na ako sa pain.”

“Kasi yung eyedrops na binigay ko, wala namang anything. Hindi siya maanghang, pag-try ko sa sarili ko, wala akong na-feel,” lahad ni Andrea na talagang inatake ng matinding nerbiyos sa nangyari kay Derek.

Inamin ng aktor na talagang natakot siya na baka raw mabulag siya dahil sa nangyari.

Sa panayam ng GMA sa isang ophthalmologist, ang exposure ng mata sa UVC radiation ay maaaring magdulot ng photokeratitis o photoconjunctivitis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“The outer parts of the eyes, the cornea and the conjunctiva so same way that our body is covered by skin, the conjunctiva is the covering of the eye and the cornea is the outer part of the eye so sila ‘yong unang tatamaan if ever by UVC radiation,” ani Racoma.

“If there’s prolonged exposure to the eyes, which will result in photokeratitis and this will result in pain, irritation, redness swelling, and temporary blurring,” sabi pa ng ophthalmologist.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending