Zanjoe humingi ng 'sign' bago bumalik sa trabaho sa gitna ng pandemya: Ayun, nakita ko naman! | Bandera

Zanjoe humingi ng ‘sign’ bago bumalik sa trabaho sa gitna ng pandemya: Ayun, nakita ko naman!

Ervin Santiago - September 29, 2020 - 09:28 AM

HUMINGI ng “sign” si Zanjoe Marudo kung tatanggapin pa ba niya ang seryeng “Walang Hanggang Paalam” o tuluyan nang magre-resign sa project.

Inamin ng Kapamilya actor na talagang pinag-isipan muna niya nang bonggang-bongga kung handa na ba siyang magtrabaho uli sa gitna ng banta ng COVID-19.

Kuwento ni Zanjoe sa ginanap na virtual mediacon para sa nasabing serye, nagsimula na silang mag-taping bago pa ipatupad ang lockdown sa bansa.

“Bago pa yung pandemic actually nakapag-shoot na kami. So nu’ng dumating itong pandemic, nag-lockdown tayo, so hindi na natin alam kung matutuloy pa ba or hindi, tapos tumawag sila na magre-resume kami and kami yung magde-decide (kung tutuloy pa ba o hindi na).

“Medyo nag-isip pa ako nang matagal. Binigyan pa kami ng option ng ABS-CBN kung tutuloy ba kami kahit delikado.

“Pinag-isipan ko. So nag-antay ako ng sign. Nu’ng nakita ko yung sign na nagpakita sa akin, ayun tinanggap ko na yung project,” pahayag ni Zanjoe.

Sa ngayon, naka-lock in taping pa rin sila sa isang lugar sa Zambales at siniguro naman ng production na safe ang lahat dahil istrikto pa ring ipinatutupad ang lahat ng health at safety protocols.

Hindi naman nagsisisi si Zanjoe sa desisyon niyang ipagpatuloy ang serye dahil napakaganda raw talaga nito at siniguro ng Dreamscape Entertainment na ibang Zanjoe Marudo ang mapapanood ng madlang pipol.

“Ako dito si Anton, fiancé ni Celine (Angelica Panganiban) na nag-aasikaso ng mga negosyo nu’ng pamilya namin, yung hospital.

“Madami siyang isyu sa buhay, sa pamilya niya, sa mahal niya, kay Celine at siyempre kay Emman (Paulo Avelino). Isa siyang insecure at seloso, may pagkaganu’n yung character.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya exciting kasi first time ko na gagawin ang ganu’ng character na medyo malayo sa mga dati kong ginawa,” kuwento pa ng aktor tungkol sa role niya sa “Walang Hanggang Paalam” na nagsimula na nga kagabi sa Kapamilya Channel at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.

Kasama rin dito sina Arci Muñoz, Jake Cuenca, JC Santos, Tonton Gutierrez, Lotlot de Leon, Ronnie Lazaro, McCoy de Leon, Mary Joy Apostol, Sherry Lara, Victor Silayan, Javi Benitez at Cherry Pie Picache, sa direksyon nina Emmanuel Palo at Darnel Villaflor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending