'Nude mystery girl' sa viral video ni Cesar lumantad na: Sandali, bakit may damit na 'to?! | Bandera

‘Nude mystery girl’ sa viral video ni Cesar lumantad na: Sandali, bakit may damit na ‘to?!

Ervin Santiago |September 28,2020
facebook
share this

‘Nude mystery girl’ sa viral video ni Cesar lumantad na: Sandali, bakit may damit na ‘to?!

Ervin Santiago - September 28, 2020 - 01:48 PM

 

NATATANDAAN n’yo pa ba ang viral video ni Cesar Montano noong October, 2018 kung saan isang nakahubad na babae ang biglang umapir?

Ito yung video greeting ng aktor para sa kaibigan niyang barangay kagawad sa Sta. Ana, Manila na talagang pinag-usapan at nag-trending dahil nga sa nasabing nude “mystery girl.”

Muling nagpakita ang nasabing babae sa video greeting naman ng aktor para sa kaibigan niyang entertainment writer at dating TV host na si Dolly Anne Carvajal.

Ipinost kasi ni Dolly Anne sa kanyang Facebook page ang nasabing video at maraming netizens ang nakapansin na ang babaeng kasama ni Buboy ay tila ang mystery girl din na aksidenteng nakuhanan nang walang saplot sa viral video niya noon.

Ayon sa ilang comments ng netizens, ang name raw ng babae ay Maria Socorro na siyang current partner ngayon ni Cesar.

Pagbati ni Cesar kay Dolly Anne, “BFF, happy, happy birthday to you! Huwag mong kakalimutan na merong Buboy, Cesar Montano, na nagmamahal at nagdarasal ng safety and good health, yan! I love you, BFF Dolly.

“BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito?” sabi ng aktor na ang tinutukoy nga ay ang katabi niyang girl sa video.

Sabi naman ng girl kay Dolly Anne, “Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you!”

Hirit naman ni Cesar, “Next time, yung isa kong talent, available na. Yon talaga, daring yon. Next time na lang yon.

“We love you, BFF Dolly Anne. God bless you and your entire family. We love you,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon naman sa mga nakapanood ng video greeting, masaya na rin pala si Cesar sa bago niyang dyowa at mukhang pang-forever na nga ito dahil halos dalawang taon na rin silang nagsasama.

Ibig sabihin, “it’s a tie” na para sa kanila ng dati niyang asawang si Sunshine Cruz na maligaya na rin sa piling ng kanyang boyfriend na si Macky Mathay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending