Babala ni Angelica: Sobrang hirap magtiwala sa online dating, kaya dapat doble-ingat | Bandera

Babala ni Angelica: Sobrang hirap magtiwala sa online dating, kaya dapat doble-ingat

Ervin Santiago |September 28,2020
facebook
share this

Babala ni Angelica: Sobrang hirap magtiwala sa online dating, kaya dapat doble-ingat

Ervin Santiago - September 28, 2020 - 12:19 PM

BINALAAN ni Angelica Panganiban ang madlang pipol sa online dating at sa pakikipaglandian sa social media, lalo na sa mga taong hindi mo pa talaga kilala.

Ayon sa Kapamilya actress, napakahirap nang magtiwala sa panahon ngayon, lalo na sa social media na napakaraming manloloko.

Sa unang episode ng online show ng dalaga na “Ask Angelica”, may nagtanong sa kanya kung ano ang masasabi niya sa online dating at sa mahilig makipag-fling sa socmed.

“Sana seryoso, kasi I think hindi mo itatanong kung dapat bang seryosohin ang online flings kung hindi ka seryoso.

“Kaya lang siyempre sa panahon ngayon, nadagdagan kasi yung hirap dahil hindi kayo pwedeng magkita,” sagot ng aktres na ilang beses na ring nasawi sa pag-ibig.

Pinaalalahanan ni Angge ang mga nanonood sa kanya na maging maingat at huwag basta magtitiwala sa mga taong nakikilala lang natin online.

“Mahirap magtiwala. Kahit walang pandemic, sobrang hirap magtiwala sa online dating. So paano pa ngayong may pandemic? So kailangan doble or triple talaga yung ingat na gagawin mo para lang talaga hindi siya masaktan,” sey ng tinaguriang Hugot Queen.

Dugtong pa niya, “Ang social media kasi, kahit may mga downside siya, meron din naman siyang good side. Makikita mo kasi kung ano din talaga yung routine nung tao.

“Kahit nagpi-pretend lang siya na kunyari surfer pero at least nag-try mag-surf. At least alam mong tao siya. Dapat kasi tao siya,” diin pa niya.

Dagdag pa niyang paalala sa lahat, “Siyempre hindi natin maiiwasan na magkaroon ng longing sa isang tao kasi di ba, ‘Uy may nagke-care sa umaga, may nagte-text, sa gabi may kausap ka.’

“Pero siyempre doble ingat. Wala ka namang ibang pwede protektahan kundi sarili mo. Dapat laging una ang sarili,” payo pa ng dalaga.

Sinagot din ni Angelica ang netizen na nagtanong kung paano niya nagagawang maging maligaya kahit single siya, “Responsibility mo na pasayahin ang sarili mo. Hindi yung ibang tao.”

“Kapag na-achieve mo yun, kaya mo magbigay ng happiness sa friends mo, sa family mo and sa matatagpuan mong tao para sayo. Hindi mo magagawa yun kapag hindi ka buo. Process iyan eh,” chika pa ni Angge.

Samantala, inamin ng aktres na napakalaki ng naitutulong ng mga kaibigan niyang sina Bela Padilla at Kim Chiu para maging masaya siya kahit wala siyang boyfriend. Sina Kim at Bela ang naging special guests sa pilot ng “Ask Angelica”.

“For me ang nakikita kong pinakaimportanteng relationship sa buhay ay family and friends. Of course relationship with ourselves as long as kaya mong maging masaya alone, then it will flourish.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Talaga nga namang para kang sprinkler sa garden na nagbibigay ka ng joy sa lahat. Ikaw na ang nagwa-water or nagdidilig para sa lahat kasi kaya mo na. Punumpuno ka na ng ganu’ng love and kaya mo na siyang i-share sa lahat,” mensahe ni Angge.

“Kim and Bela, sila yung unang taong tinakbuhan ko nung inindiyan ako nung ex ko doon sa panahon na dapat makikipaghiwalay siya sa akin. Nandoon sila and the friendship blossomed. Mahal na mahal namin ang isa’t isa,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending