Liza biglang lumipad patungong US kasama si Enrique dahil sa lolang may sakit | Bandera

Liza biglang lumipad patungong US kasama si Enrique dahil sa lolang may sakit

Reggee Bonoan |September 28,2020
facebook
share this

Liza biglang lumipad patungong US kasama si Enrique dahil sa lolang may sakit

Reggee Bonoan - September 28, 2020 - 10:49 AM

LUMIPAD patungong Amerika si Liza Soberano kasama ang boyfriend na si Enrique Gil nitong Biyernes ng gabi, para bisitahin ang lola ng aktres na maysakit.

Sobrang close ni Liza sa lola niya (mother side) dahil ito pala ang nagpalaki sa kanya base na rin sa kuwento ng manager niyang si Ogie Diaz.

“Sobrang close si Liza sa mga lola niya kaya nu’ng nalaman niyang maysakit talagang may-I fly siya ro’n,” sabi ni Ogie.

Hindi lang sa lola niya sa mother side close si Liza, maging sa side rin ng daddy niya, “Malapit sa matatanda si Liza,” sabi pa ni Ogie.

Kaya nakiusap daw ang aktres na huwag muna siyang mag-shoot ngayong taon dahil gusto niyang makasama ang pamilya niya sa Amerika lalo na ang lola niyang maysakit.

“Kung walang pagbabago alam ko until November sila roon, kaya si Liza sa 2021 na magsu-shoot ng movie nila ni Quen,” say ng manager ng aktres.

Hirit namin kay Ogie, siguradong makakapagpahinga nang husto si Liza sa Amerika bukod sa pag-aalaga sa lola niya dahil malayo siya sa mga isyu rito sa Pilipinas.

At kahit pala nasa ibang bansa ang dalaga ay tuluy-tuloy ang mga trabaho niya sa social media para sa posting ng mga produktong ineendorso niya na kasama sa kontrata.

“Kailangan niyang i-post lahat ‘yun, Reggee kaya hayun, lahat ng product endorsement niya, bitbit niya para doon niya kunan at saka i-post.  Kaya kahit wala siya sa Pilipinas, dire-diretso pa rin ang work ni Liza,” kuwento ni Ogie.

Samantala, binanggit namin na posible palang iurong ni Liza ang kasong isinampa nito sa empleyado ng internet service provider kapag humingi ito ng public apology na may pangalan ng aktres base sa panayam nito sa “Headstart” ni Karen Davila sa ANC.

“Sabi nga ni Atty. Jun (Lim), masyadong maaga pa para pag-usapan ang settlement,” say sa amin.

Naikuwento rin ng manager ni Liza na maraming nagpadala ng mensahe sa kanya pagkatapos mapanood ang panayam nito sa “Headstart” dahil napaka-smart ng aktres at maging ang host ng programa na si Karen ay puring-puri ang dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabanggit din ng abogado nitong si Atty. Jun na kung sakaling ituloy ni Liza ang plano nitong maging abogado ay welcome siya sa Lim-Yutatco-Sze law office.

Pero sabi nga ni Liza ayaw na niyang maging abogado dahil sa stress, mas gusto na lang niyang maging psychologist.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending