Matteo susugal na rin sa online selling; cake ni Sarah katakam-takam | Bandera

Matteo susugal na rin sa online selling; cake ni Sarah katakam-takam

Ervin Santiago |September 28,2020
facebook
share this

Matteo susugal na rin sa online selling; cake ni Sarah katakam-takam

Ervin Santiago - September 28, 2020 - 09:24 AM

MUKHANG seryoso na nga ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa kanilang balak na online business.

Hindi pa man nagsisimula ay nangangamoy tagumpay na ang pagsabak sa pastry at cake business ng celebrity couple.

Mula kasi nang ibandera ng aktor sa madlang pipol kung gaano kasarap ang mga bine-bake na cake ng kanyang asawa ay marami na ang gustong makatikim nito, hindi lang ang mga Pinoy dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig din ng mundo.

Kamakailan ay ipinost ni Matteo sa kanyang Instagram ang isang Lemon Blueberry Buttermilk cake na may caption na, “My wife’s Lemon Blueberry Buttermilk cake will blow your mind. #shesthebest.”

Sunud-sunod naman ang positibong komento ng mga netizens sa pagiging proud ni Matteo kay Sarah kasabay ng mga tanong kung pwede rin ba nilang matikman ang cake ng singer-actress.

May nag-suggest din na bakit daw hindi karirin ni Sarah ang pagbe-bake at gawing business para mas marami pa ang maka-appreciate sa kanyang cake.

Ito naman ang reply ni Matteo sa kanyang IG followers, “Taking orders soon. One week in advance, pre-order. I’ll send you the menu.”

Hindi naman sigurado ang ilang nakabasa ng post ni Matteo kung seryoso ba ito sa kanyang sinabi o nagbibiro lang. Pero ayon sa mga tagasuporta ng AshMatt, sana nga’y maisipan na ng mag-asawa na pasukin na rin ang online cake business.

In fairness, ilang sandali lang pagkatapos sabihin ng mister ng Popstar Royalty na very soon ay kukuha na sila ng order ay nagsunud-sunod na ang comments na sila na ang magiging unang customers ng mag-asawa.

Dumagsa rin ang mga tanong mula sa kanilang fans na nasa ibang bansa kung pwede rin silang mag-place ng order at willing daw silang magbayad ng shipment fee kung sakali.

Oh, di ba? Hindi pa man officially announced ang tungkol sa cake business ng celebrity couple ay bumabaha na agad ng orders here and abroad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, hindi lang ang mga cake ni Sarah ang ipinagmamalaki ni Matteo sa kanyang mga kaibigan at social media followers.

Ilang beses na rin siyang nag-post noon para ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kasarap ang bine-bake na cookies ni Sarah G.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending