Mga ginang na beauty queen nagpalugaw sa Cavite | Bandera

Mga ginang na beauty queen nagpalugaw sa Cavite

Armin P. Adina - September 27, 2020 - 04:52 PM

Ilang kalderong lugaw ang hatid ng Queen of Hearts Foundation Inc. sa Cavite./FACEBOOK PHOTO

SINORPRESA ng isang grupo ng mga ginang na beauty queen ang mga taga-Sunshine Ville sa Barangay Cabuco, Trece Martires, Cavite.

Naghatid sila ng ilang kalderong lugaw at ilang bag ng mga donasyon sa mga residente roon.

Sa pangunguna ni Queen of Hearts Foundation Inc. Founder at President Mitzie Go-Gil, isinagawa ang “Palugaw Charity Mission” na nagpakain sa mahigit 1,000 mamamayan, at namahagi ng ilang bag ng donasyon sa mahigit 120 bata.

Isinagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng foundation kay Atorni Ton, host ng “Showbiz Spotted” sa dzRH.

Kasama ni Go-Gil ang mga reigning global at national beauty queen na sina Mrs. Asia Pacific Global Avon Morales, Mrs. Worldwide second runner-up Llena Tan, Mrs. Philippines Asia Pacific Intercontinental Glynes Evangelista Olbes, at Mrs. Philippines Asia Pacific Cosmopolitan Mary Chris Albacahin-Camacho.

Nakiisa rin sa misyon si Mrs. Queen of Hearts Philippines candidate Sarima Paglas ng Maguindanao

“Sobrang saya namin, fulfilling,” sinabi ni Go-Gil sa Bandera sa isang panayam online. “But also sad kasi hindi na kami nagtagal doon,” pagpapatuloy niya.

Pinangungunahan ni Queen of Hearts Foundation Inc. Founder at President Mitzie Go-Gil (pangatlo mula kanan) ang mga beauty queen sa Trece Martires, Cavite./FACEBOOK PHOTO

Mula nang pumutok ang pandemyang bunga ng Covid-19, na nagtulak sa pamahalaan na magpataw ng quarantine mula noong Marso, ilang mamamayan na sa iba’t ibang panig ng bansa ang nahatiran ng tulong ng foundation.

Kasama rin ang mga bata sa naisip ni Queen of Hearts Foundation Inc. Founder at President Mitzie Go-Gil (nakasuot ng sunglasses) na maabutan ng tulong./FACEBOOK PHOTO

Tinulak din ng pandemya ang pagdaraos ng 2020 Mrs. Queen of Hearts Philippines pageant, na naunang tinakda nitong Abril. Pansamantala itong iniskedyul sa Oktubre, kung luluwagan na ng pamahalaan ang mga paghihigpit sa mga live event.

Pipiliin sa patimpalak ang mga pambato ng Pilipinas na magsisiskap na maiuwi ang mga titulong Mrs. Worldwide, Mrs. Asia Pacific Global, Mrs. Asia Pacific All Nations, Mrs. Asia Pacific Tourism, Mrs. Asia Pacific Intercontinental, Mrs. Asia Pacific Cosmopolitan, at Mrs. Global Universe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Go-Gil rin mismo ay isang beauty queen. HInirang siyang Mrs. Asia Pacific Tourism noong 2018 sa Singapore.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending