Enrollees para sa SY 2020-2021, umabot na sa higit 24.63 milyon | Bandera

Enrollees para sa SY 2020-2021, umabot na sa higit 24.63 milyon

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 26, 2020 - 08:30 PM

Pumalo na sa 24.63 milyun ang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll sa bansa para sa school year 2020-2021.

Ito ay base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) noong Biyernes ng umaga (September 25).

Ayon sa DepEd, tinatayang 24,633,586 na ang bilang ng enrollees sa bansa.

Katumbas ito ng 88.70 porsyento ng enrollees noong school year 2019-2020.

Sa nasabing bilang, 22,444,560 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,136,264 milyon naman ang nasa private schools.

Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay sa elementarya na nasa 11,825,621.

Umabot naman sa 7,770,756 ang mga nakapag-enroll sa junior high school at 2,827,026 sa senior high school.

Nasa 1,747,614 na mag-aaral ang nag-enroll sa kindergarten habang 390,703 sa Alternative Learning System.

May kabuuang 71,866 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending