Kaso ng COVID-19 cases sa Pilipinas, pumalo na sa higit 300,000 | Bandera

Kaso ng COVID-19 cases sa Pilipinas, pumalo na sa higit 300,000

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 26, 2020 - 08:23 PM

Hindi muli bababa sa 2,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado (September 26), umabot na sa 301,256 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 63,066 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,747 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Umaabot naman sa 87.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.8 porsyento ang asymptomatic; 1.2 porsyento ang severe habang 2.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 88 ang napaulat na nasawi kung kaya’t umakyat na sa 5,284 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 787 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 232,906 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending