Julia sumugod sa NBI para kasuhan si Jay Sonza; ipaglalaban ang katotohanan

By Ervin Santiago September 25,2020
share this

Julia sumugod sa NBI para kasuhan si Jay Sonza; ipaglalaban ang katotohanan

By Ervin Santiago September 25,2020 - 01:55 PM

KINASUHAN ng Kapamilya actress na si Julia Barretto ang dating broadcaster na si Jay Sonza.

Personal na dumulog ang dalaga sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) kaninang umaga kasama ang kanyang inang si Marjorie Barretto.

Sinampahan ng cybercrime complaint ni Julia si Jay Sonza matapos nitong ibalita sa kanyang Facebook page noong Sept. 21, 2020 na buntis ang dalaga at si Gerald Anderson umano ang ama.

Ayon sa Kapamilya star, nais niyang imbestigahan ng NBI ang fake news na ipinost ng dating TV host-news anchor.
Tinawag ng dalaga ang FB post ni Jay na “untrue” at “irresponsible” na nagdulot sa kanya ng “distress” pati na rin sa kanyang pamilya.

“I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible.

“The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family.

“I don’t want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact,” ang pahayag ni Julia sa isang panayam matapos ngang magsampa ng kaso sa NBI.

Kung matatandaan, naging mainit na usapin kamakailan ang balitang ipinagkalat ni Jay Sonza na nabuntis daw ni Gerald si Julia.

“Napatunayan ni Visoy — Visayan Tisoy Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at ni Marjorie na si Julia Barretto na kapwa hindi sila baog.

“After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) — may nabuo sa sinapupunan ni Julia,” bahagi ng FB status ng dating brooadcaster.

Sabay naman itong tinawag na fake news nina Julia at Gerald.

Last Wednesday, nag-post uli si Jay Sonza sa FB at binawi ang nauna niyang mga pahayag.

“Hindi ako buntis. – Julia
“Hindi buntis ang anak ko. – Marjorie
“May umamin kasi kaya nagalak ako.
“Kung ganoon po, binabawi ko ang aking masayang pagbati.
Happy & excited kasi ako kappa may nabibiyayan ng Buhay.
“Pasensya na kung napaaga ang aking Congratulations.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending