Vice umamin: Hindi porke't marami kayong pera, maayos ang pamilya n'yo | Bandera

Vice umamin: Hindi porke’t marami kayong pera, maayos ang pamilya n’yo

Ervin Santiago |September 24,2020
facebook
share this

Vice umamin: Hindi porke’t marami kayong pera, maayos ang pamilya n’yo

Ervin Santiago - September 24, 2020 - 09:27 AM

“MY family is not perfect.” Yan ang diretsahang pahayag ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda.

Inamin ng TV host-comedian na hindi totoo ang sinasabi ng mga tao na nasa kanya na ang lahat at siguradong wala na siyang mahihiling pa sa buhay.

Ayon kay Vice, napakarami pa niyang gustong gawin sa buhay kabilang na ang patuloy na pagbibigay ng kasiyahan sa madlang pipol.

“Yung chikang nasa iyo na ang lahat. That’s so untrue. Marami akong mayroon, marami akong natanggap, marami akong pag-aari. Pero for me no one can say na nasa akin na ang lahat,” pahayag ni Vice sa online chikahan nila ng kaibigang si Jaya.

Patuloy pa ng komedyante, “As long as we are alive, mayroon tayong hinahanap at kailangang mangyari ‘yon. Kasi kapag wala na tayong hinahanap, nawawalan ng excitement ang buhay, ng essence ang life.

“At saka ‘yung mawawalan tayo ng pananampalataya kapag wala na tayong pangangailangan. ‘Yun ang lagi n’yong sinasabi sa akin ni Regine (Velasquez) tuwing nag-uusap tayo.

“Gusto ni Lord na nangangailangan tayo sa Kanya at pinupuntahan natin Siya at humihiling tayo sa Kanya kasi ‘yun ‘yung power Niya at koneksiyon natin sa isa’t isa,” lahad pa ng It’s Showtime host.

Sey pa ni Vice, may mga hinihiling pa rin siya sa Diyos hindi para sa kanya kundi para sa ibang tao lalo na sa pamilya niya.

“Marami ‘yung tinatanong, ‘yung ano pa ang gusto kong mangyari? First, I want to be healthier. I want to live longer. I want to be given more opportunities to entertain people.

“Kasi wala sa akin ‘yun. Sa ating lahat, wala sa atin ‘yung kasiguraduhan na magagawa pa ba natin ito bukas, hindi ba? Wala tayo nun ‘yung kasiguruhan,” lahad pa ng Kapamilya TV host-comedian.

Tungkol naman sa kanyang pamilya, ito raw ang masasabi niya, “Yung gusto kong makasama ang pamilya ko nang masayang-masaya. Kasi for now hindi natin sila nakakasama.

“At saka my family is not perfect. Maraming flaws ang family ko. Hindi porket marami kayong pera, maayos ang bahay niyo ay maganda ang pamilya niyo, hindi.

“Sana mangyari in the future sana mas maging masaya ang pamilya ko at mas maging maayos ang mga isyu sa loob ng pamilya namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi we are a normal family and it’s an imperfect family,” pag-amin pa ni Vice Ganda.

Ngunit kahit na may pinagdaraanan ngayon ang pamilya ni Vice, mukhang super happy pa rin ang kanyang lovelife sa piling ng boyfriend niyang si Ion Perez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending