Maine sa lahat ng may pinagdaraanan: Mahigpit na yakap! Kapit lang tayo, laban lang | Bandera

Maine sa lahat ng may pinagdaraanan: Mahigpit na yakap! Kapit lang tayo, laban lang

Ervin Santiago - September 22, 2020 - 04:25 PM

MALALIM at mahaba ang hugot ni Maine Mendoza para sa mga taong patuloy na nakikipaglaban sa mental health problems.

Sunud-sunod ang post ng Phenomenal Star sa Twitter ng kanyang mensahe tungkol sa tamang pakikitungo sa ating mga kapamilya at kaibigang nakararanas ng ganitong uri ng problema.

Ito’y matapos ipalabas ang episode ng “Bawal Judgmental” segment sa Eat Bulaga nitong nagdaang Sabado kung saan ang mga invited guest ay dumanas at napagtagumpayan ang kanilang laban sa mental health issues.

Narito ang pahayag ni Maine, “Paalala lang din sa lahat, na gaano man ‘kababaw o kaliit’ sa mata natin ang pinagdadaanan o ang problema ng iba, wala tayong karapatan na sabihan sila ng dapat nilang maramdaman. Hindi talaga natin malalaman ang pakiramdam ng isang bagay kung hindi tayo ang nasa lugar nila.”

Aniya pa, kailangang matuto ang bawat isa na irespeto ang nararamdaman ng mga taong may pinagdaraanan sa buhay.

“Huwag natin isawalang-bahala yung nararamdaman ng iba dahil lang iba ang pananaw natin sa kanila.

“Matuto tayong umunawa at rumespeto ng nararamdaman at pinagdadaanan ng mga tao dahil hindi natin alam kung gaano kabigat ang mga ito para sa kanila. Diba nga, iba-iba tayo ng laban,” lahad pa ng “Eat Bulaga” Dabarkad.

Paalala pa ng dalaga, “Malaking bagay ang presensya natin, pakikinig natin, pagtanong ng ‘kamusta ka?’ para sa mga taong may pinagdadaanan.

“Hindi man natin alam ang problema o dinadala ng mga kasama natin, malaking tulong na yung nandyan tayo para ipaalam at IPARAMDAM sa kanila na handa tayong makinig – na hindi sila nag-iisa at nandito tayo para damayan sila. Mahigpit na yakap sa lahat! Kapit lang tayo. Laban lang!” ang dagdag pang mensahe ni Maine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending