Lifestyle check sa mga kawani ng pamahalaan pansamantalang ipinahinto ng Ombudsman | Bandera

Lifestyle check sa mga kawani ng pamahalaan pansamantalang ipinahinto ng Ombudsman

- September 22, 2020 - 04:00 PM

Hiniling ni Ombudsman Samuel Martires sa Kongreso na amyendahan ang Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards of Public Official and Employees.

Sa pagdinig ng panukalang 2021 budget ng Office of the Ombudsman, sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na maraming kailangang baguhin sa nasabing batas.

Marami anya ang nabibiktima ng nasabing batas at subject ito sa iba’t ibang interpretasyon.

Ito anya ang dahilan kung bakit inihinto na nila ang lifestyle check sa mga kawani ng pamahalaan.

Paliwanag ni Martires sa Kamara walang sinuman ang may karapatan upang husgahan isang empleyado ng gobyerno dahil may kaniya-kaniya prayoridad ang bawat isa.

Mayroon anya na nagtatrabaho sa pamahalaan na mas pinipili ang mamuhay na mas mataas sa kanyang kinikita pero hindi anya ito dapat pakialaman.

Paliwanag nito, mayroong mas inuuna ang ibang bagay tulad halimbawa ng mamahaling sasakyan at iba pang material na bagay at isinasantabi ang iba.

Ang iba naman anya ay nangungutang para sa kanilang mga gustong bilhin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending