Alden may matinding pasabog sa Dec. 8; 'All-Out Sundays' ng GMA balik-studio na | Bandera

Alden may matinding pasabog sa Dec. 8; ‘All-Out Sundays’ ng GMA balik-studio na

Ervin Santiago - September 22, 2020 - 09:18 AM

 

 

MUKHANG may inihahanda na namang bagong sorpresa ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para sa kanyang mga tagahanga.

Ito’y kasabay na rin ng pagse-celebrate ng kanyang 10th anniversary sa showbiz.

Inanunsyo ito ni Alden sa pamamagitan ng isang Instagram post. Aniya, “Malapit na tayong magkasama uli! Save the date: Dec 8! #AldensReality #AldenRoadToTen.”

Ngayon pa lang ay excited na ang mga fans ng Pambansang Bae sa magiging pasabog ni Alden sa darating na Disyembre.

Samantala, isa si Alden sa mga celebrity ambassador ng “Bida Ang May Disiplina” campaign ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), at mga pribadong grupo.

Ayon sa Kapuso Drama Prince, nais niyang magamit ang kanyang impluwensiya para makatulong na matuldukan ang COVID-19 crisis sa bansa.

Layunin ng kampanya na ituro at ipaalala ang wastong pag-iingat laban sa virus.

* * *

Good news pa rin para sa avid viewers ng GMA musical variety show na “All-Out Sundays” dahil ngayong Linggo (Set. 26) ay balik-studio na ang paboritong Sunday show.

Ito ang big announcement na ni-reveal ng ilang members ng cast kahapon na sina Paolo Contis, Ken Chan, Rita Daniela, at Glaiza de Castro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tiniyak naman nila na mahigpit nilang susundin ang safety protocols at guidelines sa kanilang pagbabalik-taping sa studio ng GMA.

Siguradong paghahandaan ng todo ng “All-Out Sundays” barkada ang magiging episode ngayong Linggo kaya naman abangan yan sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending