Hugot ni Angelica: Wag n'yo akong isali, ang kakapal ng mukha! | Bandera

Hugot ni Angelica: Wag n’yo akong isali, ang kakapal ng mukha!

Ervin Santiago |September 21,2020
facebook
share this

Hugot ni Angelica: Wag n’yo akong isali, ang kakapal ng mukha!

Ervin Santiago - September 21, 2020 - 01:47 PM

 

 

TAWA nang tawa ang members ng entertainment media sa mga bagong hugot ni Angelica Panganiban tungkol sa usaping love.

Sa nakaraang virtual mediacon para sa bagong online show ng aktres, ang “Ask Angelica”, game na game na sinagot ng dalaga ang lahat ng maintrigang tanong ng press.

Isa nga sa ibinatong question sa kanya ay kung keri ba niyang bigyan ng advice sa love problem ang present dyowa ng kanyang ex-boyfriend.

“Hindi no! Ano siya, sinusuwerte?” ang mabilis na hirit ng Kapamilya actress.

“Ayusin nila ‘yun! Figure out niya kung paano. Kaniyang kanya na ‘yon!

“‘Wag niyo akong isali, ang kakapal ng mukha! Ano to?!” ang tawa nang tawang chika pa ng dalaga.

Inamin ni Angelica na may ganito nang eksenang nangyari sa kanya kung saan may nagtangkang humingi ng payo ang partner ng isa sa mga naging dyowa niya noon.

“Well mayroong nag-attempt! Pero, hiwalay na sila. Parang tinanong lang ako kung paano ako naka-move on.

“’Ha? Talaga ba?’ Though hindi naman kami nagkaroon ng problem ng girl na ‘to, I mean naging sila, out of the picture na talaga kami,” lahad ng aktres.

Dagdag pa ni Angge, “So, nag-reach out lang, ako, wirdong-wirdo na parang ‘okay?’ Ako naman, naawa. Pero pag naman hiwalay na, siguro ‘yon, okay lang na parang ‘okay lang yan, naku, makaka-move on ka rin’ sabi ko sa kanya.”

Samantala, magsisimula na sa Sept. 25 ang online show niyang “Ask Angelica” kung saan sasagutin niya ang iba’t ibang questions base sa kanyang personal na mga karanasan sa buhay.

Mapapanood ito sa social media platforms ng ABS-CBN Films, YouTube channel ng Sinehub at MyChos.

“Nakakatuwa rin kasing makinig sa mga iba’t ibang issues, mga problema, at pinagdadaanan ng mga tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kilala niyo naman ako, mahilig ako sa challenge. Kapag may mga bagay akong hindi naiintindihan, or parang takot ako sa mga ganitong klaseng tanong, ano ako e, ayoko nang ganun pakiramdam e’, ‘yung may takot, o ‘yung may tinatago, parang hindi ako totoo.

“Kaya siguro lagi long gusto ng sagot. Kaya tama lang din naman tong ginagawa ko ngayon. Sige tanong lang kayo ng tanong, sasagutin ko lang kayo ng sasagutin,” anang aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending