Angelica umaming na-in love sa may sabit: Pareho kaming may karelasyong iba | Bandera

Angelica umaming na-in love sa may sabit: Pareho kaming may karelasyong iba

Ervin Santiago |October 07,2020
facebook
share this

Angelica umaming na-in love sa may sabit: Pareho kaming may karelasyong iba

Ervin Santiago - October 07, 2020 - 09:17 AM

NA-IN love na si Angelica Panganiban sa isang lalaking may sabit na.

At ang malala pa, may karelasyon din siya noong maramdaman niya na may feelings din siya para sa guy.

Sa nakaraang episode ng digital show niyang “Ask Angelica”, nagkuwento ang Kapamilya actress tungkol dito pero agad niyang nilinaw na walang lokohan na naganap.

Natanong kasi si Angelica kung nagmahal na siya o na-in love sa isang “attached man” o may dyowa nang iba.

“Hindi ko alam kung aamin ako or hindi eh,” natatawang sagot ng dalaga. Pero umamin din siya sa ngalan ng pagiging totoonsa kanyang sarili at sa mga viewers niya.

“Na-in love ako, na-in love kami sa isa’t isa habang in a relationship kami pareho. Dumistansya naman.

“Mahirap ikuwento, masyadong personal and past na ‘yun. Pero nung nangyari ‘yun, dumistansya kami sa isa’t isa talaga.

“Kasi hindi pwede. Kahit na boyfriend-girlfriend pa lang, alam mong may mali,” paliwanag niya.

Samantala, naikuwento rin niya na may pagkakataong pinagseselosan siya ng dyowa ng mga kaibigan niyang lalaki dahil sa kakaibang closeness nila.

“Kasi ‘yung experience ko, malapit ako sa mga guy friends ko. May isang beses na pinag-initan ako nitong girlfriend ng isa kong kaibigan dahil more than friends daw kami.

“Ninakawan pa ako ng cellphone nu’n ah, para lang tignan ‘yung messages namin,” pahayag ng aktres.

Dagdag pa niyang kuwento, “Hindi ko na lang din pinalaki. As in sinisigaw niya sa bar ‘yung pangalan naming magkaibigan, nababalitaan ko na lang. Kung alam mo ‘yung totoo, siyempre maiinis ka, di ba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy pa niya, “Napag-awayan na ako. Pero kapag alam mo naman kasi ‘yung totoo na wala kang tinatago di ba, malinis ‘yung kunsensya mo, hindi ‘yun magma-matter dapat sa ‘yo.”

Hindi na rin daw siya nag-effort na kausapin yung girl para magpaliwanag, “Hindi na. Kahit matapang akong tao, hindi ako confrontational. Choose your battles.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending