Jed nagpa-house tour, ibinandera ang Funko collection: 'Yun ang pinaka-therapy ko | Bandera

Jed nagpa-house tour, ibinandera ang Funko collection: ‘Yun ang pinaka-therapy ko

Ervin Santiago |September 20,2020
facebook
share this

Jed nagpa-house tour, ibinandera ang Funko collection: ‘Yun ang pinaka-therapy ko

Ervin Santiago - September 20, 2020 - 10:18 AM

 

KATAS ng mahigit 15 taon niyang pagtatrabaho sa mundo ng showbiz ang naipatayong dream house ni Jed Madela.

Nagpa-house tour ang Kapamilya singer kamakailan na napapanood na ngayon sa latest video ng Star Magic YouTube channel.

In fairness, mukha talagang pinaghirapan at pinag-isipang mabuti ni Jed ang bawat bahagi ng kanyang bahay, base na rin sa ayos at tema nito.

Sabi ni Jed, napakasarap daw ng feeling kapag nakikita niya ang bawat bagay na pinaghirapan niyang ipundar mula pa noong nagsisimula pa lang siyang mangarap hanggang ngayon marami-rami na rin siyang na-achieve sa buhay kahit paano.

“This has been like the fruits of my hard work for the past, how many years?

“I’ve been in the business for more than 15 years. Ang sarap lang sa pakiramdam na may napupuntahan ‘yung pinaghirapan mo,” chika ng award-winning singer-performer.

Inilibot niya ang mga viewers sa kanyang living room, kitchen at dining area. Pero aniya, isa sa mga paborito niyang lugar sa bahay ay ang prayer area.

“Nagpagawa kami ng altar dito. This is a new part of the house. Wala ito nu’ng binili namin ‘yung bahay.

“And isa sa favorite spots ko ito, favorite area ko sa bahay ko ang parang prayer area namin.

“Siguro dito ako nakakahanap ng peace and relaxation, and of course time for myself, time to meditate, time to say my prayers and talk to God,” kuwento ng binata.

Dinala rin niya ang mga manonood sa kanyang entertainment room na ginawa na rin niyang studio. Dito niya kinukunan o nire-record ang mga video niya para sa iba’t ibang projects and events.

Ipinasilip din ni Jed ang kanyang Funko collection na talagang pinagawan pa niya ng sariling kwarto.

“Sa mga nagtatanong kailan ako nag-start mag-collect ng Funko Pop, I started in 2018. Siguro ‘yun ang pinaka-therapy ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It reminds me of childhood. It reminds me of how simple things were when I was a kid. Nakaka-nostalgic ng feeling na when I see toys it makes me happy, it makes me relax,” paliwanag pa ng Kapamilya singer.

Karamihan sa kanyang koleksyon ay mga Disney characters. Nagsimula lang daw siya noon sa pagbili ng pakonti-konti hanggang umabot na ito sa daan-daang piraso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending