Lara nanganak na sa ika-3 baby nila ni Marco: Thank you Jesus for another undeserved gift

By Ervin Santiago September 18,2020
share this

Lara nanganak na sa ika-3 baby nila ni Marco: Thank you Jesus for another undeserved gift

By Ervin Santiago September 18,2020 - 12:43 PM

NANGANAK na ang beauty queen-turned actress na si Lara Quigaman sa ikatlong anak nila ni Marco Alcaraz.

Ibinandera ni Lara sa madlang pipol ang litrato ng kanyang bagong-silang na sanggol na pinangalanan nilang Moses Marc, sa pamamagitan ng Instagram.

“Thank You Jesus for another undeserved gift… my heart is so full! My whole being overflows with gratitude and awe. You truly are a good good God!” ang caption niya sa IG photo ni Baby Moses.

Siyempre, hindi rin nagpahuli ang character actor na si Marco at nag-post din ng photo ng kanyang mag-ina sa IG.

Tinawag pa niyang “brave wife” ang kanyang misis kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng bumati at nagdasal para sa maayos at ligtas na panganganak ni Lara.

“Good morning to my brave wife Lara baby Moses. Mahal na mahal ko kayong 2. I’m sure excited na ang mga boys makita ang new teamate nila.

“Thank you sa lahat ng mga dasal niyo. Safe and healthy ang mag-ina ko. Thank you Lord Jesus for another blessing,” ang mensahe ni Marco.

Isinilang ng aktres si Baby Moses via caesarean section kahapon ng umaga sa Makati Medical Center. Magkapareho ng birthday ang sanggol at ang kapatid niyang si Tobias Nolano.

Walong taon na ngayong kasal sina Lara at Marco, at biniyayaan nga ng tatlong anak, sina Noah Lamar, 7, Tobias Nolan, 2 at si Baby Moses Marc.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending