1 patay, 1 nawawala dahil sa Hurricane Sally sa Alabama | Bandera

1 patay, 1 nawawala dahil sa Hurricane Sally sa Alabama

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer |September 17,2020
facebook
share this

1 patay, 1 nawawala dahil sa Hurricane Sally sa Alabama

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 17, 2020 - 02:21 PM

National Hurricane Center

Kumpirmadong isa na ang nasawi habang mayroong isa pang nawawala sa pananalasa ng Hurricane Sally sa Alabama.

Ayon kay Mayor Tony Kennon ng Orange Beach, bagaman hindi naman nagtamo ng matinding pinsala ang Orange Beach ay nakapagtala sila ng isang nasawi.

Sa Baldwin County, maraming bahay ang nawalan ng kuryente.

Mula Alabama, mananalasa din sa Florida ang bagyo.

Nagbabala na si Florida Gov. Ron DeSantis sa mga residente na maaring magdulot ng pagtaas ng tubig sa mga ilog sa Florida ang ulang dulot ng bagyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending