Malaking pondo ng DFA sa 2021 para sa repatriation ng mga OFW | Bandera

Malaking pondo ng DFA sa 2021 para sa repatriation ng mga OFW

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 17, 2020 - 01:43 PM

Marianned Bermudez/Inquirer

Prayoridad sa panukalang pondo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa susunod na taon ang pagpapauwi sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sa pagdinig ng Kamara sa P22.092 bilyong panukalang budget sa 2021  ng DFA, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na nakasentro ang kagawaran para tiyakin na matutulungan ang mga Pilipino sa ibayong-dagat na makabalik ng bansa lalo na ang mga nawalan ng trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic.

Mas mataas ng .49 porsyento ang panukalang pondo ng DFA sa 2021 kumpara ngayong taon.

Sa ngayon ay nasa 178,000 na ang napapauwing OFWs sa bansa at mayroon pang 177,000 na naghihintay sa kanilang repatriation.

Ipinauubaya naman ng DFA sa Kongreso kung dadagdagan ang kanilang pondo partikular sa Assistance to Nationals Program (ATN).

Para sa 2021 ay aabot sa P1.259 bilyon ang alokasyon para sa proteksyon ng karapatan at pagsusulong ng kapakanan ng mga OFWs sa ilalim ng ATN na bahagya lang mataas sa P1.258 bilyon ngayong 2020.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending