Mark type makahalikan ang aktor na maganda ang ngipin: Yun ang weakness ko | Bandera

Mark type makahalikan ang aktor na maganda ang ngipin: Yun ang weakness ko

Ervin Santiago - September 17, 2020 - 10:36 AM

 

MAY idea na kami kung sino ang male celebrity na tinutukoy ni Mark Bautista na type niyang makahalikan sa isang project.

Hindi kasi pinangalanan ng Kapuso actor-singer ang male star na gusto niyang makatrabaho sakaling bigyan siya ng gay series o movie.

Sa nakaraang Sunday episode kasi ng “The Boobay and Tekla Show,” inilunsad nila ang pinakabagong segment ng show na “Modified Enhanced Feeling The Blank”.

Maiinit at maiintrigang tanong ang ibinato nina Boobay at Tekla sa guest celebrity nilang si Mark Bautista.

Dito, isusulat lang ng guest ang kanyang sagot at sila-sila lang ang makakabasa at makakaalam.

At isa nga sa mga itinanong kay Mark ay kung sino sa mga kilalang aktor ang gusto niyang maka-kissing scene sa isang proyekto.

Napaisip namang mabuti ang Kapuso star at medyo nagdalawang-isip pang sumagot kaya siniguro uli sa kanya ng TBATS hosts na sila lang ang babasa ng pangalang isusulat niya.

Nang ipakita na ni Mark ang kanyang answer, ang tanging nasabi ni Boobay ay, “Ang suwerte naman niya.”

Hirit naman ni Tekla, “Talaga?”

Ang paliwanag ni Mark, napili niya ang nasabing aktor dahil, “Kasi ang ganda ng ngipin. Yun ang weakness ko.”

Nagulat din sina Boobay at Tekla sa sagot ni Mark kung sino sa mga sikat na celebrity ang nais niyang sabihan ng “I Need You,” na titulo ng kanyang kanta at kung sino ang hindi niya bet maging dyowa kung naging girl siya.

* * *

Ngayong naka-recover na mula sa COVID-19 ang Kapuso singer na si Matt Lozano, priority naman niya ang pag-sanitize ng kanilang bahay.

Sa latest YouTube vlog ni Matt, ipinasilip niya ang pag-disinfect ng isang team sa kanilang bahay, pati na rin sa kanyang online food business na Lozano’s Kitchen.

Ayon kay Matt, siniguro nilang maayos na madi-disinfect ang kanilang tahanan. Ito rin ay upang masimulan na muli ang kanilang negosyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We hired a close friend of my dad who happens to have a disinfecting services.

“We called him kasi nga gusto naming ma-disinfect ‘yung buong bahay namin para naman makapag-resume na kami at makapagluto na ulit sa Lozano’s Kitchen,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending