Markki Stroem walang arteng nanghipo, nakipaghalikan sa gay series; may pa-threesome pa
MAS daring ang mga eksena ni Markki Stroem sa finale episode ng “Unlocked.”
Kung noong unang episode ay nagpakita ng tapang sa paghuhubad si Markki sa ilang eksena niya with Mike Liwag kung saan nagpakita siya ng buttocks at pumatong kay Mike, dito sa finale episode na kasama sina JC Bites at Miggy Campbell ay higit na mapangahas si Markki.
Naglabasan na sa Twitter ang very daring scenes ni Markki kasama si JC.
Sa isang eksena na kuha sa isang double deck, walang takot na hinipuan ni Markki si JC na natutulog. Nag-umpisa ang panghihipo niya sa legs, nagdaan sa hita and then sa tiyan and then sa mismong ari ni JC.
Nagulat si JC pero hindi naman niya ipinahiya si Markki sa eksena na napunta sa kanilang lips to lips scene.
Sa isang eksena naman kung saan magkakasama ang tatlo, Markki and Miggy were kissing passionately. Nagising ang katabi nilang si JC and one can figure out na napunta ito sa threesome.
Ang daming pinahanga ni Markki sa mga eksena niya sa “Unlocked.” Ang tingin pa nga nila ay bitin ang mga ito. Gusto nilang makitang
mag-frontal ang actor base na rin sa mga reactions nila sa Twitter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.