outbrain

Carlo sa pagiging tatay: Sobrang sarap sa pakiramdam, priority ko ngayon ang mag-ina ko

By Ervin Santiago September 16,2020
share this

Carlo sa pagiging tatay: Sobrang sarap sa pakiramdam, priority ko ngayon ang mag-ina ko

By Ervin Santiago September 16,2020 - 02:16 PM

 

MULA nang magsara at tumigil ang halos buong operasyon ng ABS-CBN ay nagplano na nang bonggang-bongga ang first time tatay na si Carlo Aquino para sa future ng kanyang pamilya.

Iba na ang mga priorities ngayon sa buhay ng award-winning actor dahil nga may sarili na siyang pamilya, lalo na ngayong nanganak na ang partner niyang si Trina Candaza.

Ayon kay Carlo, mas nakatuon na ngayon ang kanyang atensyon kay Trina at sa panganay nilang si Enola Mithi kaya talagang mas lalo pa siyang magsisikap sa buhay.

Pahayag ni Carlo sa online chikahan nila ng kaibigang si Darla Sauler, “Sobrang sarap sa pakiramdam na hindi na ‘yung sarili mo ‘yung priority kung ‘di ‘yung mag-ina mo na, ‘yung family mo. Ang sarap na nagtatrabaho ka para sa kanila.

“Kasi ito, future ng anak ko ‘yung nakasalalay, ‘di ba? Siyempre gusto mo maging stable, maging maayos kung saan siya mag-aaral, ‘yung mga
ganu’ng bagay,” diin pa ng aktor.

Dagdag pa niyang chika, “Kaya nu’ng biglang nagkaroon ng problema ‘yung ABS-CBN, although hindi kami very vocal, nag-iisip-isip na ako
kung anong mga gagawin, kung anong career move ang dapat kong gawin.

“Kasi siyempre ayaw kong maging stagnant. Ayaw kong tumigil sa ganito na lang ako,” sey pa niya.

Nilinaw din ni Carlo ang mga chika na inilihim talaga nila sa madlang pipol ang pagbubuntis ni Trina, “Hindi naman namin itinago. Hindi lang
namin na-post.

“Pero kasi kapag lumalabas kami, although naka-mask, may mga nakakakilala pa rin sa akin, may mga nagpapa-picture. Eh, kasama ko si
Trina. Alangan namang itago ko?” diin pa ng baguhang tatay.

Hindi rin daw siya nagdalawang-isip na ibandera sa social media ang pagsilang ng kanyang panganay.

“Little angel ‘yun, eh. Blessing ‘yun. Bakit mo itatago ang ganyan kalaking blessing at happiness sa buhay mo?

“Hindi rin naman ako nagpo-post para sa ibang tao. Nagpo-post ako kasi gusto ko, gusto namin ni Tina i-share ‘yung happiness,” lahad pa ng
Kapamilya star.

Ibinalita rin niya na talagang sinusulit niya ang bawat minutong magkasama sila ni Baby Enola.

“Malapit na rin ako magtrabaho. Siyempre ‘yung mga trabaho natin ngayon is lock-in.

“Siyempre ‘yung mga lock-in ng dalawa’t kalahating linggo, sobrang laking bagay nu’n kasi ‘yung mga ganitong sanggol, sobrang bilis daw talagang lumaki. So, talagang every moment, gusto ko ako na lang muna,” chika pa ni Carlo kasabay ng pagsasabing mas priority nila ngayon ni Trina ang kanilang anak at saka na nila paplanuhin ang kasal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending