John Prats may napatunayan bilang tatay: Totoo palang nakakawala ng pagod ang anak | Bandera

John Prats may napatunayan bilang tatay: Totoo palang nakakawala ng pagod ang anak

Ervin Santiago - September 16, 2020 - 09:29 AM

 

KUNG may isang bagay na napatunayan si John Prats sa pagiging tatay, yan ay ang kakaibang kaligayahan na dulot ng kanyang mga anak.

Ayon sa actor-director, totoo raw pala yung laging sinasabi ng mga magulang na may kakaibang “magic” na taglay ang mga anak na nakapagpapaalis ng pagod at stress.

Kamakailan lang ay nanganak ang asawa niyang aktres na si Isabel Oli sa ikatlo nilang anak na si Forest na dagdag na naman sa kaligayahan ng kanilang pamilya.

Sabi ni John, nakakatuwang makita ang dalawa pa nilang anak ni Isabel na sina Feather at Freedom na nakikipag-bonding sa bagong silang nilang kapatid.

“Nakakatuwa kasi as a parent, nu’ng isa pa lang anak namin, nu’ng nabuntis si Liv (tawag niya sa asawa) kay Freedom, ano kaya ang magiging dating kay Feather?

“Pero nakakatuwa kasi parang natural pala yung nangyayari. Si Feather nung nakita niya si Freedom, alam mong ateng ate,” pahayag ni John sa online talkshow na “I Feel U.”

Kuwento ni Pratty, talagang isinasali nila ang dalawang anak sa mga activities nila sa bahay para matuto rin silang maging independent.

“Si Liv kasi, ginagawa niya na si Feather yung little helper niya.

Ini-involve namin siya.

“By doing that, parang nagkakaroon siya ng responsibility. Si Feather nakakatuwa kasi very ate yung approach niya,” lahad ni John.

Aminado rin siya na gustung-gusto niyang ini-spoil ang mga bata dahil isa ito sa nagpapasaya sa kanya, lalo na kapag nagyayaya ang mga ito na makipaglaro.

“Gustung-gusto kong nae-experience yun sa kanila. Whenever they laugh, kapag gusto nila makipaglaro sa ‘yo, very rewarding,” chika pa ng komedyante.

Sa tanong kung ano ang best part sa kanya ng pagiging tatay, “Yung going home from work kahit gaano ako kapagod. Totoo pala yun, it’s not overrated.

“Sinasabi nila na nakakawala ng pagod yung mga bata, pero pag-uwi mo, para kang na-recharge. Akala mo ubos ka na from your day.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But when you see them and they want to play more and they want to bond with you, parang ang galing. Meron pa pala akong ilalabas. May joy pa pala,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending