Pia ipinakilala na si Jeremy sa pamilya; pinagluto nang bongga ni mommy
NAKILALA na sa wakas ni Jeremy Jauncey ang nanay ng kanyang girlfriend na si Pia Wurtzbach.
In fairness, talagang pinaghandaan ng mommy ni Pia na si Cheryl Alonzo-Tyndall ang pagbisita ng anak at ng boyfriend nito sa bahay nila sa United Kingdom.
Ibinahagi ni Mrs. Cheryl ang mga eksena sa pagdalaw sa kanya ni Pia at ni Jeremy sa pamamagitan ng kanyang latest vlog.
Makikita sa video ang mga pagkaing inihanda niya para sa magdyowa kung saan nakasama rin nila sa pagla-lunch ang asawa ni Cheryl na si Nigel Tyndall.
Ayon kay Pia, talagang nag-request siya sa ina ng mga healthy food kaya naman ang ilan sa inihain sa kanila ay ang banana oat blueberry muffin, vegetable frittata, grilled apple chicken sausage at arugula salad.
“It’s all healthy ‘cause I told her we want to be healthy. And I’m dairy-free now,” maririnig na sabi ni Pia habang nilalantakan ang luto ng kanyang mommy.
Bukod sa mga nabanggit na putahe, hindi rin siyempre mawawala ang mga kinalakihang pagkaing Pinoy ni Pia, tulad ng bola-bola with misua at chicken adobo.
Biro nga ng beauty queen-actress sa kanyang mommt, “Kapag ako hindi ganito, ah (kabongga ang handa). Baka masanay na si Jeremy na laging ganito.”
Sey naman ni Mrs. Cheryl, sandali lang siyang nag-prepare dahil late na nagsabi ang anak na pupunta ito sa bahay nila kasama si Jeremy.
“I act so fast. You can imagine how I would go to the grocery and walk fast and put everything together, go to the other grocery again,” pahayag ng ginang.
Obvious namang nag-enjoy si Jeremy sa pakikipag-bonding sa pamilya ni Pia base na rin sa naging takbo ng kanilang pagsasalo sa kainan at walang humpay na chikahan.
At mukhang botong-boto naman si Mommy Cheryl sa bagong boyfriend ng kanyang anak. Kaya ang hihintayin na lang natin ay ang pagpo-propose ni Jeremy at ang announcement ng kasal.
Attachments area
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.