Kris sa Enchong-Erich loveteam: The two have chemistry ’cause…
AMINADO kaming lagi naming inaabangan ang mga ipino-post nina Erich Gonzales at Enchong Dee sa kanilang Enrich Originals production.
Aliw na aliw kasi kami sa kanilang dalawa, hindi na nila kailangan ng script sa rami ng napag-uusapan nila. Masyado na silang kumportable sa isa’t isa.
Gusto na naming hilahin ang Set. 19 para sa launching ng una nilang series na “You. Me. Maybe” na idinirek mismo ni Erich.
Maayos ang trailer na napanood namin dahil na rin sa tagal niya sa paggawa ng pelikula at teleserye kaya napag-aralan na niya kung paano rin ang magdirek.
Hindi lang siya direktor, producer pa at katuwang niya rito si Enchong na swak talaga sa isa’t isa dahil pareho silang marunong humawak ng pera.
Super tipid daw kasi nila at nagkakabiruan pa nga na ang ginawa nilang proyekto ay produkto ng BTS, as in “kami-kami productions lang ‘to.”
Maging sa sikat nilang make-up artist na si RB Chanco ay abut-abot ang pasasalamat nila dahil “libre” lang daw ito kasama na ang ibang staff and crew.
Nakakaaliw nga dahil ang nagluto ng dinner nila ay isa rin sa artista nila na si MJ Cayabyab. Kasama rin sina Arjo Atayde at Alex Medina sa series.
Ang mga location na ginamit sa serye ay sa mismong bahay nina Enchong at Erich na talagang maximized ang lahat ng lugar.
Nabanggit ni Enchong na gusto niyang magkaroon ng remembrance ng unang project ng Enrich Originals kaya magpapagawa siya ng physical billboard ng “You. Me. Maybe”.
Hindi pa man umeere ang season 1 ay may binanggit na agad na season 2 kaya excited na sina Erich at Enchong sa magiging resulta ng kanilang unang digital series.
Ang lambing ni Enchong kay Erich ay dalhin siya sa Siargao para magbakasyon kapag umabot sa 1 million views ang kanilang “You. Me. Maybe.”
Samantala, bukod sa mga kaibigan at subscribers ng Enrich Originals ay suportado rin sila ni Kris Aquino na nag-post pa sa kanyang Instagram account na pinapanood niya ang BTS (behind the scenes) ng “You. Me. Maybe.”
Sabi ni Kris, “The two have chemistry ‘cause I think they grew up together. You. Me. Maybe. Congratulations direk @erichgg – this September 19, 2020.”
Sumagot kaagad si Erich, “Ate Kris, Bimb thank you very much. I LOVE YOU (heart emoji).”
Hmmmm, maisip kaya nina Enchong at Erich na i-guest si Kris sa isa nilang episode?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.