Pagkampi ni Robin sa pagpapalaya ni Duterte kay Pemberton binanatan ni DJ Mo | Bandera

Pagkampi ni Robin sa pagpapalaya ni Duterte kay Pemberton binanatan ni DJ Mo

Alex Brosas - September 15, 2020 - 10:26 AM

 

NAG-REACT si Mo Twister sa post ng isang website sa Twitter about Robin Padilla.

“After Fighting for Jennifer Laude, Robin Padilla Agrees with President Duterte on Granting Absolute Pardon to Joseph Scott Pemberton.”

‘Yan ang article kung saan nag-react ang TV and radio host.

“I love how Robin Padilla, in a matter of a few decades, has regressed from Bad Boy to Dumb Ass,” tweet ni Mo.

Nakaalis na ng bansa si Joseph Scott Pemberton matapos siyang bigyan ng pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ten years ang sentensiya ng korte laban kay Pemberton matapos nitong mapatay ang transgender na si Jennifer Laude.

Marami ang kumampi kay Mo at binatikos nila si Robin bilang reaction sa tweet ng radio host na naka-base sa US ngayon.

“He’s always been a dumbass and his bad boy persona is just his toxic machismo/masculinity. Took us a while to get over it lol.”

“Hindi na nga mahalaga ang prinsipyo sa ngayon. ang importante, ikaw ang nasa pwesto. survival of the fittest!”

“Hayaan nyo silang kumapit lang. Akala nila habang buhay naka pwesto kinakapitan at pinagsisipsipan nila. lapit na election basta sana walang dayaan.”

“Robin would choose to die for duterte and not die for the country.”

“Laos na si Boy Sili..gagawin nya lahat basta magka puwesto at nangyari nga dahil sa pagsipsip niya. I can’t wait pag nawala sa puwesto si Digong kung saan pupulitn yang mokong na yan.”

In fairness to Robin, in-explain naman niya sa kanyang Instagram post kung ano ang proseso sa pagbibigay ng pardon.

“Nakasaad sa ating batas na kung sinoman ang nakapagserve na ng kalahati ng sintensya niya ay maaari na itong humingi ng pardon o parole at mag dedepende ang favorable desisyon ng board of pardons and parole at ng legal department ng Pangulo ng Pilipinas sa good behavior ng bilanggo.
“Hindi po ako abogado pero batid ko ang karapatan ng isang bilanggo na ibinigay ng Batas.

“Tama ang ginawa ni mayor PRRD.  It was the most compassionate decision not only for the americans but for us as well.

“One way or the other we will soon need them and this pardon strengthens that bond of friendship between us as people. Ang panahon ng pandemya ay oras ng pakikipagbuklod kay bigbrother.

“Isulat na lamang natin ito sa talaan ng mga atraso ng amerikano sa atin mula sa massacre sa probinsya ng Samar hanggang sa massacre of Bud bagsak sa Jolo na walang mga nakulong na amerikanong sundalo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Yan ang paliwanag ni Robin.

Naku, patulan kaya niya ang patutsada ni Mo? If ever, we’re willing to air his side.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending