outbrain

Kris Bernal, Perry Choi bawal halikan, yakapan, sleepover kahit engaged na

By Ervin Santiago September 15,2020
share this

Kris Bernal, Perry Choi bawal halikan, yakapan, sleepover kahit engaged na

By Ervin Santiago September 15,2020 - 10:15 AM

 

SINUNOD ng engaged couple na sina Kris Bernal at Perry Choi ang lahat ng “kundisyon” sa kanilang date kamakailan.

Makalipas ang mahigit isang buwan nang hindi pagkikita, muling nakapag-date ang dalawa — pero bago kayo mag-react, yan ay nangyari lang sa labas ng bahay ng Kapuso actress.

Inikot lang ni Kris si Perry sa kanilang lugar suot ang kanilang face masks at face shield at siniguro nga niyang “no hugs, no kisses, no sleepovers”.
Isa raw sa mga ginawa nila ng kanyang fiancé ay ang pagpaplano sa kanilang wedding at ang pagpapatayo ng kanilang dream house.

Ayon pa sa Kapuso actress, more than a month din silang hindi nagkita ni Perry dahil tumanggap na siya uli ng acting projects.

“Reunited and it feels SO GOOD! Didn’t see him for more than a month cause I’ve started accepting tapings and self-isolating every single time,” caption ng actress-businesswoman sa pictures nila ni Perry sa Instagram.

Bukod dito, inilista rin ng dalaga ang mga gagawin nila ni Perry sa kanilang date.

“1. House construction site visit/planning/meeting
“2. Picture taking
“3. Ayuda giving (Food & non food lol)
“4. No hugs. No kisses. No sleepovers. We never know! We don’t want to infect each other or our family under any circumstances.”

Kung matatandaan, nag-propose si Perry sa ginanap na surprise birthday party para kay Kris noong February, 2020. Nakatakda silang ikasal sa May, 2021.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending