outbrain

Carlo pinasalamatan ni Trina matapos manganak: Hindi ko akalain na aalagaan mo kami ng ganito

By Ervin Santiago September 15,2020
share this

Carlo pinasalamatan ni Trina matapos manganak: Hindi ko akalain na aalagaan mo kami ng ganito

By Ervin Santiago September 15,2020 - 09:27 AM

 

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng modelong si Trina Candaza sa kanyang boyfriend na si Carlo Aquino.

Grabe kasi ang ginagawa nitong pag-aalaga sa kanya ngayon lalo na sa kanilang bagong silang na anak na si Baby Enola Mithi.

Idinaan ni Trina sa kanyang Instagram Stories ang mensahe niya para sa tatay ng anak kalakip ang cute na cute na litrato nito habang kalong ang kanilang anak.

“Thank you love for taking care of me and Mithi. Hindi ko akalain na aalagaan mo kami ng ganito. Mahal ko kayo ng anak natin,” ang caption ng bagong panganak na partner ni Carlo.

Pinasalamatan din ni Trina ang lahat ng nag-effort na bumati sa kanila ni Carlo bilang mga first-time mommy at daddy.

Kamakalawa, ibinahagi ni Carlo sa publiko ang unang litrato ni Baby Enola Mithi at ginamit pa ang lyrics sa hit song ni Rico Blanco na “Your Universe” sa kanyang caption.

“You can thank your stars all you want but I’ll always be the one lucky one,” ani Carlo.

Agad bumuhos sa social media ang pagbati ng mga celebrities sa kanila ni Trina, kabilang na riyan ang mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde, Ejay Falcon, Zanjoe Marudo, Rodjun Cruz, Rhea Tan, Sue Ramirez, Rocco Nacino, Gladys Reyes at marami pang iba.

Sa isang panayam, sinabi ni Carlo na handa na niyang pakasalan si Trina kasabay ng pag-amin na mula raw nang maging magkarelasyon sila, napakaraming nagbago sa mga pananaw niya sa buhay.

Nakikita na raw niya ang sarili na kasama si Trina sa kanyang buhay nang mahabang-mahabang panahon.

“Siyempre oo,kasi nasa tamang edad na ako e, 34 na ako, e. Titingnan natin sa mga susunod na buwan, taon,” ang chika ni Carlo nang matanong sa planong pagpapakasal.

“Nag-iba ‘yung outlook sa buhay, mas magaan, mas happy, wala naman siguro sa tagal ‘yun,” pag-amin pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending