Janella sumama kay Markus sa England; dedma pa rin sa chikang buntis na | Bandera

Janella sumama kay Markus sa England; dedma pa rin sa chikang buntis na

Reggee Bonoan |September 14,2020
facebook
share this

Janella sumama kay Markus sa England; dedma pa rin sa chikang buntis na

Reggee Bonoan - September 14, 2020 - 02:11 PM

 

NAKA-MONITOR ang netizens ngayon kina Janella Salvador at Markus Paterson tungkol sa isyung buntis umano ang aktres.

Kasalukuyang nasa Bath si Janella, ang sinasabing largest city sa Somerset, England kung saan nakatira ang boyfriend niya kasama ang magulang nito.

Ang ipinagtataka ng ilang netizens ay kasama rin ang nanay ng aktres na si Jenine Desiderio at kapatid nitong si Russel base na rin sa post ng singer sa kanyang Instagram account habang nasa eroplano sila, tatlong araw na ang nakararaan.

Ang caption ng larawan nina Jenine at ng bunso niyang si Russel, “#socialdistancing one seat apart. Update: I take it back. They also booked the seat between us but when we booked the seat was marked as X (the whole row).”

Muling nag-post si Jenine ng fish and chips ng pananghalian niya dalawang araw na ang nakararaan, “#lunch. Can you guess where I am?”

May mga nabasa kaming sagot sa tanong ng mama ni Janella mula kay @cakequasarnectarine, “You’re in London. Doon manganganak si Janella diba? You’re gonna be there with Markus, Janella, and Russell.”

Sinundan ng comment ni @bebelabs2020, “Bat kaya ang artista pag nabubuntis eh sa ibang bansa nagtatago. So next Sofia (Andres) and Daniel (Miranda) sila saka aaminin pag malaki na ang baby?”

May nagtanggol naman sa mag-ina,  si @ate_blessie, “Hard to guess po but likewise you’re out of the country. Be safe and happy. Be strong and healthy, it’s NOT COVID you need to shield yourself family with, Bitter tongues should be avoided too. So bitter, let just pray for them. Bawal Judgmental.”

At tila pinatotohanan na ni Jenine na nasa England nga sila dahil kinunan niya ng video na naglalaro ang anak niyang si Russel at Markus ng bola sa malawak at magandang hardin na feeling namin ay pag-aari ng Paterson family.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, nagtanong kami sa ilang kaibigan ni Janella sa showbiz kung buntis ang aktres na rati ay sinasagot kami agad, sa pagkakataong ito ay wala kaming natanggap ni isang reply.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa rin ng BANDERA ang sagot nina Markus at Janella tungkol sa umano’y pagbubuntis ng huli.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending