Mavy, Cassy wala pang matinding away; Camille nakaisip ng gimik para sa mood swing ng anak | Bandera

Mavy, Cassy wala pang matinding away; Camille nakaisip ng gimik para sa mood swing ng anak

Ervin Santiago |September 14,2020
facebook
share this

Mavy, Cassy wala pang matinding away; Camille nakaisip ng gimik para sa mood swing ng anak

Ervin Santiago - September 14, 2020 - 09:17 AM

 

IBINANDERA ng Legaspi twins na sina Mavy at Cassy ang mga bagay na hindi nila pinagkakasunduan sa isang livestream video kasama ang kanilang inang na si Carmina Villarroel.

Hindi naman daw madalas magtalo ang dalawa pero minsan ay may mga desisyon sila na hindi nagugustuhan ng isa’t isa.

Paliwanag ni Mavy, “Siguro ‘yung type of fighting namin ni Cassy is kung upset kami sa decisions ng twin. Mga ganu’ng bagay lang.”

Kuwento naman ni Cassy, “We don’t really fight. Walang fights or whatever.

“This only happens when Mavy wants to protect or defend me or something. I don’t know how to explain it,” aniya pa.

Samantala, patuloy na napapanood ang dalawa kasama sina Carmina at Zoren sa fresh episodes ng “Sarap ‘Di Ba?” tuwing Sabado ng umaga sa GMA.

* * *

Ilang parenting tips naman ang ibinahagi ng “Mars Pa More” host na si Camille Prats para i-handle ang mood swings ng mga anak habang naka-quarantine sa bahay.

 

Sa kanyang interview sa “Unang Hirit”, ikinuwento ng Kapuso actress na maging ang kanyang mga anak ay nagiging iritable kung minsan dahil sa ilang buwan na pamamalagi sa bahay.

 

Aniya, “Napansin namin na ‘pag lagi lang sila nasa house, parang ‘yung mood nila iba.

 

“Mabilis mainis, mabilis umiyak, na hindi naman sila typically na ganu’n. Parang tayo ring matatanda, na naiinip at kung anu-ano na,” kuwento ng actress-TV host.

 

“They probably feel the same. So, kapag may chance talaga, minsan umiikot kami nasa kotse lang, para lang may iba silang nakikita.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos nu’n uwi na ulit — just so they can see something else aside from the four corners of the house,” dagdag pa niya.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending