Kim hindi iniwan ni Xian: Para siyang sponge na nag-aabsorb ng sama ng loob ko | Bandera

Kim hindi iniwan ni Xian: Para siyang sponge na nag-aabsorb ng sama ng loob ko

Ervin Santiago |September 14,2020
facebook
share this

Kim hindi iniwan ni Xian: Para siyang sponge na nag-aabsorb ng sama ng loob ko

Ervin Santiago - September 14, 2020 - 09:08 AM

 

KASAMA ni Kim Chiu ang boyfriend na si Xian Lim sa mga matitinding ng laban niya sa buhay, lalo na nitong mga nakaraang buwan.

Alam naman ng lahat ang mga pagsubok at kontrobersya na hinarap ng Kapamilya actress na napagtagumpayan niyang malampasan.

At ayon sa dalaga, naging matapang at matatag siya nu’ng mga panahong yun sa tulong na rin ni Xian na aniya’y hindi siya iniwan at pinabayaan sa gitna ng laban.

Sa nakaraang episode ng online show ni Angeline Quinto sa “PadaLOVE Season 2” naitanong kay Kim kung kumusta na ang relasyon nila ng aktor ngayon.

“Paminsan-minsan nagkikita. Pero most of the time, ano kami FaceTime ganyan,” tugon ni Kim na masayang-masaya ngayon dahil sa tagumpay ng serye nila ni Xian na “Love Thy Woman.”

Chika ng dalaga, hindi napagod ang boyfriend niya sa pakikinig sa kanyang mga problema, lalo na noong kasagsagan ng pamba-bash at pambabastos sa kanya dahil sa kontrobersyal niyang “bawal lumabas” statement.

“Si Xian kasi lagi siyang nakikinig sa problema ko. Simula’t simula pa lang.

“So, para siyang sponge na nag-aabsorb ng sama ng loob kahit ilang oras kami magkausap. ‘Sige magsalita ka lang.’ Tapos after namin mag-usap, okay na ako,” anang dalaga.

Kilalang-kilala na rin daw siya ni Xian dahil kahit hindi niya sabihin, alam ng binata na meron siyang problema o pinagdaraanan.

“Tapos minsan kapag meron naman akong dinadala, sabi niya ‘Bakit parang naiiyak ka? Ano nangyari sa ‘yo?’

“Kahit hindi ko sabihin sa kanya, alam niya na parang meron akong dinadamdam,” sey pa ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang bahagi ng panayam, tinanong ang dalaga kung umiyak na sa harap niya ang boyfriend, “Ay hindi siya iyakin. Never ko pa siyang nakitang umiyak.”

Ayon sa aktres, matapang si Xian at hindi basta-basta nagpapatalo o nagpapaapekto sa problema.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending