Juday proud na proud kay Sarah: Grabe naman! Para kang cum laude sa mga sinabi mo! | Bandera

Juday proud na proud kay Sarah: Grabe naman! Para kang cum laude sa mga sinabi mo!

|September 13,2020
facebook
share this

Juday proud na proud kay Sarah: Grabe naman! Para kang cum laude sa mga sinabi mo!

- September 13, 2020 - 05:35 PM


“PROUD na proud ako sa ‘yo bilang ate mo!”

Ito ang naging reaksyon ni Judy Ann Santos matapos mapakinggan si Sarah Geronimo na nagsalita tungkol sa kanyang married life.

Naging close ang dalawa mula noong gawin nila ang pelikulang “Hating Kapatid” noong 2010.

Humarap ang dalawang Kapamilya stars sa isang online conversation at dito nga nagbigay ng update ang Popstar Royalty sa buhay nila ni Matteo Guidicelli bilang mag-asawa.

Ani Sarah, mas nakilala pa raw niya ngayon ang kanyang sarili at marami pa siyang mga discoveries, “Marami akong mga nalalaman about myself na ganito pala ako or ganyan. May mga good.
“Meron ding parang alam ko talaga sa sarili ko na kailangan kong i-improve especially now na you’re no longer your own. Meron ka nang kabiyak,” aniya.

Patuloy pa niya, “Kasi nasanay nga tayo na tayo lang sa buhay and your family. Ngayon meron ka ng asawa na kailangan mo ring isipin, kailangan mong alagaan.

“At the same time, huwag mo din kakalimutan mahalin yung sarili mo and never lose your identity as a person.

“Nakakatuwa lang ngayon kasi parang mas sinipag. Parang wala na tayong choice ngayon.

“Sa panahon ngayon, talagang kailangan nating magsumikap matutong maging independent sa buhay,” lahad pa ng misis ni Matteo.

“Katulad sa pagluluto. May mga niluto ako na hindi ko akalaing maluluto ko for myself and for my husband. Nakakatuwa.

“Isa rin sa mga naitulong ng sitwasyon natin ngayon yung matuto ka talagang tumayo sa sarili mong mga paa, matuto talaga sa buhay,” chika pa ng singer-actress.

Pagkatapos maglitanya ni Sarah G, ito naman ang naging reaksyon ni Juday na isa sa mga itinuturing niyang ate sa showbiz.

“Grabe naman! Para ka nang cum laude sa mga sinabi mo. Nakaka-proud ka, ha. Nakaka-proud yung pinanggagalingan ng mga statements mo ngayon.

“Matagal ko nang hinihintay na lumabas sa bibig mo yang words na iyan because it’s about time that you enjoy life.

“I am so proud of you because hindi ka na natatakot mag-try ng mga bagong bagay sa buhay mo. Totoo iyan.

“Mula sa aking puso iyan. Remember before, parati kitang pinu-push, ‘Mag-try ka ng bago. Push mo ang sarili mo.’ Ngayon, ikaw na mismo ang kusang gumagawa ng mga gusto mong gawin,” tuluy-tuloy na papuri ni Juday kay Sarah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “Nakaka-proud ka sweetheart. Para lang alam mo, proud na proud si Ate sa ‘yo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending