Korina ikinumpara sa 'tawas' ang kambal na anak; pinalayas ang mga bruha | Bandera

Korina ikinumpara sa ‘tawas’ ang kambal na anak; pinalayas ang mga bruha

Ervin Santiago - September 13, 2020 - 11:32 AM

 

“GOODBYE. Bruha please leave!”

Yan ang ginawang pagpapalayas ng veteran broadcast journalist sa lahat ng bashers at trolls na nangnenega sa kanya sa social media.

At hindi lang siya ang bina-bash ngayon ng mga taong walang ginawa sa buhay kundi manglait sa kapwa, pati ang kambal nila ni Mar Roxas ay hindi na rin nila pinapatawad.

Halos araw-araw ay nagpo-post ng update si Korina tungkol sa kanilang twins na sina Pepe at Pilar, kabilang na riyan ang kanilang bonding moments.

Ayon sa TV host, may ilang netizens pa rin ang kumukuwestiyon sa “legalidad” ng kanyang mga anak na nabuhay sa pamamagitan  surrogacy sa Amerika.

“Alam mo, ayaw nila maniwala na anak ko si Pepe. Alam mo na, ‘yung mga naghihinala ng mga kung ano-ano.

 

“Baka raw binili ko lang sa supermarket ang mga fetus. May mga ganyan,” ang pahayag ni Korina sa episode ng “Gabing-Gabi na Vice” kahapon.

 

Sey pa ng misis ni Mar, hangga’t maaari ay ayaw na niyang patulan ang mga “negatron” sa socmed pero siyempre, tao lang siya at isang ina na naaapektuhan din kapag mga anak na niya ang pinag-uusapan.

 

Ngunit aniya, “Sabi ko, magnega kayo hanggang gusto niyo. Basta ako masaya. Goodbye. Bruha please leave.”

 

Samantala, ikinumpara naman ng award-winning broadcast journalist ang kanyang kambal sa “tawas”.

“Oo, ang tawag ko sa kanila tawas. Tawas sa nega ng buhay.

 

“Pilar, masama ang mood ko. Gumaganda ang mood.

 

“Tapos si Pepe, kapag lumapit sa ‘yo, mapungay ang mata. Sabi niya sa akin, alam mo ang tawag sa akin ni Pepe, Ma’am. ‘Yan ang tawag ng yaya niya sa akin.

 

“Titingin lang siya sa akin at ngingiti. Hay naku, nawala na lahat ng problema at pagod ko. Ganu’n talaga,” aniya pa.

 

Tinatawag siya ngayong “Bruha Slayer” ng kanyang mga followers sa sa social media dahil talagang pinapatulan niya ang mga nega.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang decision ko sa online ko, gusto ko lahat positive lang. It’s such a powerful medium. Dapat gamitin ‘yan na mag-spread ng good vibes at positivity kaysa lungkot at nega,” pahayag pa ni Korina Sanchez.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending