Mom ni Angeline Quinto inoperahan, anim na araw pa bago magising: 'Please pray for Mama Bob' | Bandera

Mom ni Angeline Quinto inoperahan, anim na araw pa bago magising: ‘Please pray for Mama Bob’

Reggee Bonoan |September 12,2020
facebook
share this

Mom ni Angeline Quinto inoperahan, anim na araw pa bago magising: ‘Please pray for Mama Bob’

Reggee Bonoan - September 12, 2020 - 03:05 PM

Mula sa Facebook page ni Angeline Quinto

Habang sinusulat ang balitang ito ay katatapos lang ng operasyon ni Mama Bob ni Angeline Quinto. Pagkatapos ng maselang procedure ay tatlong araw pa bago siya magigising.

Maalalang nagkaroon siya ng pamumuo ng dugo sa ulo ni Mama Bob na naging dahilan ng kanyang pagkahilo at pagsusuka.

Nitong Setyembre 10, Huwebes 3:33 p.m., ay nag-post si Angeline na humihingi ng panalangin para sa mama niya.

“Gusto kong kumatok sa mga puso niyo, Tulungan niyo po akong ipagdasal ang Mama Bob ko. Kailangan na kailangan po namin ng tulong niyo sa pagdadasal. Nakikiusap po ako, isama niyo po ang Mama Bob ko sa mga panalangin niyo,” anang Kapamilya singer-actress.

Nitong Biyernes, muling kumatok sa puso ng mga fans si Angeline.

“Ito ang pinaka-matinding pagsubok sa buhay ko. Hindi Mo ako kahit kailan binigyan ng pagsubok na hindi ko kaya. Ama, buong-buo ang tiwala at pananalig ko sa ’yo. ‘Wag mong pabayaan ang taong pinakamahal ko Ama. Please pray for Mama Bob.”

Pinadalhan namin ng direct message ang mang-aawit kung anong nangyari kay mama Bob niya pero hindi niya kami nasagot.

Ayon naman sa common friend namin, “Papasok na ng OR si Mama Bob, please help pray for safe operation. May namuong blood sa brain due to stroke. Nanghihingi ng prayer si Angeline.”

Ang senaryo nitong Miyerkoles ay papunta raw ng Tagaytay sina Angge at Mama Bob nang makaramdam ng hilo at pagsusuka.

“On the way sila kasi ni Angge last Wednesday sa Tagaytay dahil naglambing si Mama Bob na mag breakfast du’n at mamili sa palengke ng beef. Nasa bandang Sta. Rosa pa lang sila nahilo si Mama Bob at sumuka. Tapos namanhid na left side ata ng body.

“Isinugod nila sa Sta. Rosa hospital, mild stroke nga raw then inilipat agad sa may Lourdes (hospital) kasi du’n ‘yung doktor n’ya and nakita nga daw na may blood clot sa brain so need ng operation.”

Marami ang nagpadala ng panalangin kay Angge para maging matatag ang loob dahil batid nilang gagaling si Mama Bob.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula sa Bandera ay panalangin din namin ang agarang paggaling ni Mama Bob.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending