KathNiel, KimXi, LizQuen, JoshLia pinatunayang loyal sa ABS-CBN | Bandera

KathNiel, KimXi, LizQuen, JoshLia pinatunayang loyal sa ABS-CBN

Reggee Bonoan - September 11, 2020 - 06:02 PM

MULA nang magsara ang ABS-CBN dahil hindi na ito binigyan ng bagong pangkisa ay iisa ang tanong ng lahat — paano na ang mga artistang may network contract, lalo na ang mga walang kontrata?

Hindi naman naging madamot ang ABS-CBN dahil nu’ng hindi sila inaprubahan ng prangkisa ay kinausap na nila ang kanilang mga artista na walang project sa kasalukuyan.

Maaari na silang tumanggap ng offers sa ibang TV station, at inamin ito ni Pokwang na pinakakawalan na sila ng Kapamilya network. Sa ngayon ay may dalawang programa ang komedyana sa TV5.

Gayun din si Ria Atayde na bago tinanggap ang programang “Chika Besh” sa TV5 ay nagpaalam muna sa Star Magic at kaagad naman siyang pinayagan.

Same thing with Vina Morales and Kitkat Favia na may regular show na ngayon sa NET 25, Eagle Broadcasting Corporation.

May mga nagpakita ng loyalty sa ABS-CBN tulad nina Kim Chiu, Xian Lim, Liza Soberano, Enrique Gil, Joshua Garcia, Julia Barretto, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na kahit may offer sa ibang network ay mas gustong manatili sa network na nagpasikat sa kanila.  Sabi nga nila, “it’s payback time.”

Kasalukuyang umeere ang “FPJ’s Ang Probinsyano” kaya hindi aalis si Coco Martin sa ABS-CBN na balitang hihintayin pa ang pagbubukas ng network bago tapusin ang aksyon serye ng aktor. Talaga lang ba?

Pero dahil tila mas marami ang tumanggap ng offers sa ibang network at ‘yung iba ay lumipat pa ng manager, ay marami ang nagtatanong kung ano na ang mangyayari sa Kapamilya network?

Anyway, may vlog si Direk Lauren Dyogi kung saan sinagot niya ang tanong ng lahat na naglilipatan na ang Kapamilya stars.

Ang bungad ni direk Lauren, “May mga balita na lilipat ang mga Kapamilya Stars sa ibang network. Ano kaya ang mga nangyayari sa Kapamilya Channel?

“Being the head of Entertainment ng ABS-CBN, I will try to give you insights and usapin showbiz lalo na sa Kapamilya network.

“Alam n’yo kahit may pandemya at wala kaming franchise for Free TV hindi naman po kami tumigil sa paggawa ng mga programa mula noong ECQ we’re doing fresh episodes on zoom para sa Magandang Buhay, sa Showtime at sa ASAP. Nakagawa rin po kami ng isang konsyerto ang Pangtawid ng Pag-Ibig, isang fund-raising para makatulong sa ating mga kababaya.”

Oo nga, ito rin ang usapan namin ng ilang executives na taga-ibang network, sabi nga nila, “ang tindi rin ng ABS, sarado na nakakagawa pa rin. Kami nga puro replay para tipid at kung magbabalik man, hindi sabay-sabay ang tapings.”

Sabi pa nga suicidal ang ginagawa ng Dos dahil pawang live ang shows nila at hindi idinadaan sa zoom kaya magastos. At totoo nga, sobrang gastos ito na inamin naman ni direk Lauren.

“Mahal ang gumawa ng mga programa ngayon dahil po sa safety protocols at dahil wala nga po kami sa Free TV, e, ang kita po namin kung ikukumpara sa kilohan, e, halos isang guhit na lang.

“Kung iisipin lang po namin ang kita ng kumpanya mas madali pong tumigil at hindi gumawa ng mga teleserye ng mga programa at mag-replay na lang po kami.

“Pero sa tingin po namin sa panahon ngayon ay matugunan ang commitment to serve sa ating mga kababayan dahil sila po ngayon ay naghahanap ng konting aliw para maibsan ang kanilang hirap sa panahong ito.

“Gusto po naming makatulong sa ekonomiya kaya po kailangan naming mag-produce ng programa bigyan po natin ng hanapbuhay ang ating mga manggagawa at mga artista.

“Pero ang mas importanteng balita kami po at karamihan ng aming mga artista, mga tao at mga manggagawa ay pumayag po na magbawas ng suweldo at talent fees para lang para po matuloy ang paggawa namin ng programa para po sa ikabubuti ng karamihan. Ito po ang maganda sa panahon ng krisis ay nagtulung-tulong,’’ paliwanag ng TV executive.

Samantala, ang mga teleseryeng mapapanood sa Kapamilya Channel soon ay ang bagong show ng KathNiel, “Walang Hanggang Paalam” at “Cara Y Cruz.”

Ang mga pelikulang produced ng Star Cinema ay ang mga sumusunod: Vice Ganda MMFF entry, “Four Sisters Before The Wedding,” “Love or Money” at “U-Turn”.

Ang mga digital shows naman nila ay ang “The Four Bad Boys and Me”, “Ask Angelica,” “He’s Into Her” at ang “Apollo: Daniel Padilla Digital Concert.”

Patuloy pa ring napapanood ang “Magandang Buhay”, “It’s Showtime” at ang longest running show na “FPJ’s Ang Probinsyano.” Kailan lang ay ini-launch ang seryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin”, “Paano Kita Pasasalamatan” at “Iba ‘Yan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natutuwa rin ng husto si direk Laurenti sa lahat ng Kapamilya stars nila na inoperan ng ibang network, managers dahil napatunayan dawn a de kalibre at in-demand ang kanilang mga artista.

‘’Ang mas magandang balita pong natanggap namin ay marami kaming nakausap na mga artista na they will stay loyal and they will stick it out with the Kapamilya network hanggang ito po ay makabangon, tutulong po sila sa pagtaguyod hanggang sa pagbangon ng bagong ABS-CBN,” sabi pa ng hepe ng Entertainment ng Kapamilya network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending