BB Gandanghari: Ikaw Ogie Diaz, malaki ang utang mo kay Rustom alam mo iyan! Kapal! | Bandera

BB Gandanghari: Ikaw Ogie Diaz, malaki ang utang mo kay Rustom alam mo iyan! Kapal!

Alex Brosas - September 11, 2020 - 03:25 PM

SINUPALPAL ni BB Gandanghari si Aling Lolit Solis.

Nag-opinyon kasi ang writer at sumawsaw sa pasabog na revelation ni BB Gandanghari kay Piolo Pascual.

“Grabe nakaw eksena ni BB Gandanghari. Parang hindi naman maganda timing ng mga reveal niya at parang bitter lang siya sa buhay kaya panay ang mga pasabog niya.

“Wala ng relevance ang mga sinasabi niyang throwback story sa buhay ni Rustom Padilla na para bang napakatagal ng panahon naganap kaya hindi na gaanong pansin pa ng mga tao sa ngayon.

“Ang nakakainis nga marami pa ang nadadamay na pangalan dahil blind item nga ang style ng kanyang pagbu bulgar. Mas mabuti pa nga na tumahimik na lang si BB GandangHari dahil ang layo na niya sa Pilipinas, nasa USA na siya, dapat masaya na siya sa buhay na pinili niya at huwag ng manggulo pa.

“Mas mabuti na ang tahimik siya dahil kahit paano pag gusto niya bumalik baka puwede pa. Now kung mag iintriga siya, baka wala na siyang mabalikan pa. Sayang.”

‘Yan ang kiyaw-kiyaw ni Aling Lolit sa kanyang Instagram account.

Sa kanyang vlog ay diretso ang aria ni BB Gandanghari kay Aling Lolit.

“E, di ba, ikaw ang nagbuke-bukelya kay Sam Milby at Piolo Pascual?” say niya na lumabas sa isang website.

BB Gandanghari was recalling the past kung saan balak idemanda nina Piolo at Sam si Lolit for that malicious write-up kung saan nasa poolside ng hotel sina Piolo at Sam Milby at nagbubulungan.

Isa kami sa na-invite ng Star Magic sa pa-presscon nila noon sa isang hotel sa Roxas Blvd. kung saan sinabi nga nina Piolo at Sam  na balak nilang idemanda si Lolit Solis dahil sa paninira nito sa kanya.

Ayun, takot na takot si Aling Lolit kaya naman bigla siyang nag-issue ng apology sa actor para hindi matuloy ang demanda.

Kitang-kita ang pagiging biased ni Aling Lolit.  Gusto pala niya, siya lang ang magsulat ng revelation.  Kapag ibang tao na, hindi na puwede.

Sabi ni Aling Lolit, wala na raw relevance ang pasabog ni BB.  Wala naman palang relevance, eh, bakit nag-opinion ka pa?  Hindi ba’t katangahan iyon?

Ang isa pang sinupalpal ni Bb Gandanghari ay itong si Ogie Diaz.

Nag-opinion din si Ogie sa pasabog na revelation ni BB Gandanghari, bagay na pinalagan ng dating Rustom Padilla.

“At ikaw, Ogie Diaz, malaki ang utang mo kay Rustom. Meron kang atraso, alam mo iyan.

“Huwag kang magmalinis at hindi ako tatahimik para pabayaan kang magmalinis. Kapal nito.”

‘Yan ang aria ni BB Gandanghari.

Naku, ano kayang utang ang sinasabi ni BB Gandanghari?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

I’m beginning to love na BB Gandanghari.  ‘Yan ang gusto namin, palaban at walang inuurungan.

Sige nga, BB, ipagsigawan mo ang mga nalalaman mo sa dalawang iyan para magkaalaman kung sino sa inyo ang matatapang. Go!!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending