Sarah, Maja, Rica versus Kardashian sisters: Tawang-tawa ako dito, Be!!! | Bandera

Sarah, Maja, Rica versus Kardashian sisters: Tawang-tawa ako dito, Be!!!

Ervin Santiago - September 11, 2020 - 09:20 AM

ALIW na aliw ang mga netizens sa paandar ni Maja Salvador na may konek sa controversial Kardashian sisters.

Nakita kasi ni Maja ang latest photo ng magkakapatid na Kardashian na sina Kourtney, Kim, and Khloé at mukhang may naalala siyang bigla na parang kahawig ng kanilang pictorial noon.

Ito ay ang teleserye niya noong 2007 sa ABS-CBN, ang “Pangarap na Bituin” kung saan nakasama niya sina Rica Peralejo at Sarah Geronimo.

Ipinost ni Maja sa kanyang Instagram Story ang litrato ng Kardashian sisters kung saan nakasuot sila ng red, green at blue na gown. Ito’y para sa isang publicity shoot.

Idinikit ng aktres ang nasabing litrato sa publicity photo nila nina Sarah at Rica para sa “Pangarap na Bituin”.

Makikita sa picture si Maja na nakasuot ng red gown, habang green naman ang kay Sarah at blue kay Rica.
Ibinase kasi sa kulay ng mga jewel ang mga character nila sa serye — si Maja ay si Ruby, Emerald naman si Sarah at si Rica ay si Sapphire, kaya sila tinawag na The Jewel Sisters.

Kaya ang naisip na caption ni Maja sa kanyang IG paandar ay, “Kardashians VS The Jewel Sisters” kung saan tinag din niya sina Rica at Sarah.
Ni-repost ito ni Rica at nagkomento ng, “Tawang tawa ako dito, Be!!!”

Wala pang reaksyon ang Popstar Royalty sa nasabing post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending