Aiko: Ang pinagsisihan ko ‘yung kagagahan ko, pero sa mga ama ng anak ko, never!
SA panayam ni Aiko Melendez sa kumpare niyang si Ogie Diaz ay nabanggit nitong nag-uusap na ang mag-amang Jomari Yllana at Andre Yllana.
Ilang taon ding walang communication ang mag-ama ayon kay Aiko dahil sa ilang personal na dahilan.
“Finally, nakapag-usap na sila after ilang years. Ano na sila on the verge of fixing things but slowly but surely inaayos nila. Sabi ko nga, sila na lang ‘wag na ako.
“Masaya ako kasi ‘yun naman ang pangarap ko, ipinagdarasal ko sila,” pahayag ng aktres.
Natanong ni Ogie kung responsable si Jomari sa pagbibigay ng ayuda o suporta sa anak, “Mula sa Parañaque, wala! Hindi ko alam kung (diretso) kay Andre, kasi ako wala (simula nang maghiwalay sila) and I don’t ask.
“Feeling ko kapag help na you want to give to your son o daughter, it’s not something you ask for, dapat willing kang mag-give. Kaya ayokong manghingi kasi kaya ko pa naman,” sabi ni Aiko.
Nabanggit din niya na ayaw niyang idaan sa korte ang issue pagdating sa sustento dahil ayaw niya ng gulo at higit sa lahat, kawawa ang mga anak dahil apektado sila.
Sa tanong kung may pagsisisi ang aktres sa mga failed marriage niya, “Wala kasi kung hindi ko sila na-meet, e, di sana wala akong mga anak, di ba?
“Ang pinagsisihan ko, siguro ‘yung mga panahon ng kagagahan ko, pero ‘yung sa mga ama ng anak ko, never. Kung uulitin ko ang buhay ko, ‘yun pa rin ang gagawin ko,” pahayag ng aktres.
Nagkabiruan pa na si Ogie bilang kaibigang malapit ni Aiko at piping saksi sa lahat ng nangyari sa buhay ng aktres na pati sa panganganak nito sa panganay na si Andre ay naroon ang talent manager.
“Sabi ko no’n patingin ng notes ni Andre at ‘yun, mana kay Jomari. Ha-hahaha!” sabi ng talent manager-comedian. Pero umapela si Aiko, “Parang hindi yata.”
Inamin din ni Ogie na hindi sila nagkikibuan ni Jomari ng ilang taon na, “Pero nag-mature na, baka someday magkita, bale wala na, magkumpare naman kami.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.